CHAPTER 33: WRATH

1.5K 110 25
                                    

Nina

Nakaupo si Ethan sa malambot na sofa sa loob ng guest room habang naglalaro ng games sa kanyang cellphone.

Isang oras na ang nakalipas simula nang inumin ko ang sleeping pills. Tulog na tulog kami ni Eve habang magkahawak ang aming mga kamay.

Napatingin si Ethan nang bigla akong bumangon.

"Nina?" Nakakunot noo niyang tawag.

Hindi ko siya pinansin. Nakamulagat ang mga mata kong tumayo sa tabi ng kama. Nag-iba ang itsura ng aking mga mata nang makita ko si Eve na natutulog; nanlilisik at nag-uumapaw ito sa galit.

Napatingin ako sa built-in closet mirror na nasa bandang gilid ng kama. Kinuha ko ang nakapatong na vase sa side table at malakas itong inihampas sa salamin. Nabasag ang salamin at nahulog ang pira-pirasong bubog sa sahig.

Gulantang na napatayo si Ethan sa kanyang kinauupuan.

"Nina!" Sigaw niya.

Pinulot at mahigpit kong hinawakan ang isang trayanggulong matalas na salamin. Nagsimulang dumugo ang aking kamay.

Unti-unti akong nilapitan ni Ethan. Punong-puno siya ng pagtataka at pangamba.

"Nina, stop!" Pigil niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Bumalik ako sa tabi ng kama at itinaas ang kamay ko sa ere. Bumwelo ako para saksakin si Eve!

Mabilis akong pinigilan ni Ethan. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay kong may hawak na salamin. Hindi ko nagustuhan ang kanyang ginawa, kumawala ako at iwinasiwas ang aking kamay dahilan para madaplisan si Ethan sa dibdib.

Hindi makapaniwala si Ethan na magagawa ko siyang saktan. Muli kong binalingan si Eve at sinugod para saksakin. Muli akong pinigilan ni Ethan at tuluyang humarang sa aking daan.

Nanlilisik pa rin ang aking mga mata na parang wala ako sa aking sarili. Ang lakas na aking ipinapakita ay hindi lakas ng isang ordinaryong babae; para akong sinaniban.

Buong lakas akong pinigilan ni Ethan hanggang sa macorner niya ako sa pader. Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas nang pumasok sa silid si Jenny at Ate Bel.

Gulat silang napatingin sa kaguluhan.

"Guys, I need some help here!" Nahihirapang sigaw ni Ethan.

"Oh my God, that's not Ate Nina!" Sigaw ni Jenny.

"Kailangan nating gisingin si Nina!" Sabi ni Ate Bel.

Mabilis na lumapit si Ate Bel at hinawakan ang kabilang kamay ko.

"Ethan, hindi ko alam kung anong mangyayari kapag ginawa ko 'to" Nagdadalawang isip na sabi ni Ate Bel.

"Just do it Ate Bel!" Buo ang loob na sabi ni Ethan habang patuloy pa rin sa pagpigil sa akin.

Pumikit si Ate Bel.

Nagshut down ang katawan ni Mia. Nanatiling nakatayong tulala ang kaluluwa ni Mia sa harapan nila Ate Bel at Ethan.

"Hindi pa rin siya gising." Nagtatakang sabi ni Ate Bel nang makitang nakapikit pa rin ang aking mga mata.

Muling pumikit si Ate Bel. Nakapasok siya sa aking panaginip. Nakita niya akong tulirong nakatayo sa ibaba ng hagdan habang nakatingin sa mundong kanina pa tumigil.

Ulit-ulit niya akong sinigawan hanggang sa tumalima ako sa kanyang sinasabi.

At ganon nga ang nangyari.

"I just can't understand bakit gustong saksakin ni Mia si Eve." Nagugulumihanan kong sabi.

"Mia?" Pangungumpirma ni Ethan.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon