CHAPTER 6: THE LOCKET

1.7K 136 19
                                    


Reyden

Mabilis kong hinanap sa mga private rooms ng ospital si Ate Bel para iabot sa kanya ang nakaligtaan niyang cellphone.

Nakita ko sa siya sa room 207. "Ate Bel!" Tawag ko sa kanya.

Lumipat ang mata ko sa kasama niya sa silid. Nagsalubong ang kilay ko. "Ethan?"

"Reyden?" Nagtataka niyang tawag sa pangalan ko. Nagkatinginan silang dalawa ni Ate Bel.

Pumasok ako sa loob ng silid. Nakita kong hawak hawak ni Ethan ang kamay ng isang babaeng walang malay na nakahiga sa kama habang hinahagod naman ni Ate Bel ang buhok nito.

Pinagmasdan ko ang babaeng nakahiga. Hindi ko gaanong makita ang kanyang mukha dahil sa oxygen mask na nakasuot sa kanya.

"Who is she?" Tanong ko sa kanila.

Muli silang nagtinginang dalawa.

"Sh--, she's Ica, Erica!" Sagot ni Ethan sabay iwas ng tingin niya sa akin.

"Yeah, she's Ica. Kasama ko sa orphanage, best friend ko." Segunda ni Ate Bel.

"Okay. What happened to her?" Tanong ko.

"She got shot." Sagot ni Ethan.

Tinitigan ko si Ethan at tinitigan kong muli ang babae. Napakunot ang noo ko.

"Ethan, she's the same girl kanina. Tama ba?" Nag-aalangan kong tanong.

"Yes." Sagot niya.

I smirked. Yung babaeng weird na inaangkin yung kwintas.

"The thief." Naibulalas ko.

"Don't call her thief, she's a friend of ours." Sabi ni Ethan na halatang medyo nainis.

"Sorry, but she looks like one. Why did she get shot in the first place?" Sabi ko na parang nang-aasar.

Hindi ko maintindihan pero iba talaga ang pakiramdam ko sa weird na babaeng ito.

"Kelan ka pa naging judgemental?" Sita ni Ate Bel.

"Kanina lang nang makipaghabulan ako sa babaeng 'yan. She keeps on insisting na sa kanya 'yung kwintas na ibinigay ko kay Nina." Diretso kong sagot.

Napabuntong-hininga si Ethan. Sinulyapan ko siya. Bakit ganon na lang ang pag-aalala niya sa babaeng nakahiga? Nagulat talaga ako kanina nang hawiin niya ang kamay ko para lang mayakap yung babae. Mas nagulat pa ako nang hindi man lang siya nagdalawang isip na hawiin yung t-shirt ng babae na para bang close na close sila para magawa niya ang ganoong bagay.

Kung ganoon kaimportante and babaeng 'yan sa kanya, bakit ni minsan hindi man lang niya naikwento sa amin ang tungkol sa kanya.

Napasulyap ako kay Ate Bel. Kailan pa siya nagkaroon ng ibang bestfriend maliban kay Nina? Nakakapagtaka.

"I'll go ahead. I just came to give you your phone." Sabi ko kay Ate Bel sabay abot ng cellphone niya.

"Thank you. Nakalimutan ko na naman siya." Sabi niya sabay kamot ng kanyang ulo.

"Sabay ako palabas. I need to grab some food." Sabi ni Ethan.

Tumango lang ako.

Sabay kaming lumabas ni Ethan sa ospital.

"Sorry for calling her a thief." Sabi ko sa kanya.

Napaismid siya. "It doesn't matter anyway, you got the necklace back."

Gumihit ang inis sa mukha ko. Naalala kong bigla ang sinabi ni Celine.

"Why? Do you have something to say?" Curious na tanong ni Ethan.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon