CHAPTER 47: Double-Crossed

1.4K 116 12
                                    


"Napatay mo na ba?" Maangas na tanong ni Mia sa kausap niya sa telepono.

Ngumisi siya. "Magkita tayo sa Kalye 99 sa Tondo para sa bayad." Patuloy niya sabay baba ng cellphone.

Nasa loob na naman kami ng bahay na nagsisilbing hideout nila Mia at Gani. Nakasuot siya ng tshirt na tinernuhan niya ng jeans.

Isa-isang inilagay ni Mia ang bungkos bungkos na pera sa isang travelling bag. Pagkatapos niyang masiguro na dalawampung milyon ang lahat ng perang ipinasok niya sa bag ay agad na niya itong isinara at binitbit.

Hindi pa siya nakakalabas ng pinto ay nagring ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito.

"Anong ibig mong sabihing walang laman ang usb! May laman 'yon Gani! Wala akong binura sa usb!" Gigil na sabi ni Mia.

Nagpatuloy siya sa pakikipag-usap kay Gani. Inis na inis niyang pinagpipilitan na may laman ang usb.

"Pumunta ka sa tulay sa Kalye 99, sa Tondo, mag-iiwan ako ng mensahe kung kanino mo kukunin ang duplicate na usb bukas! Ibibigay ko sa kanya bago ako umalis." Huli niyang sabi bago niya pinatay ang telepono.

Sumakay siya sa isang lumang pulang kotse at pinaandar ito. Ilang minuto ang nakalipas ay pumarada siya sa isang kalsada. Bumaba siya ng kotse bitbit ang bag.

Inilapag niya ang bag sa ilalim ng posteng kinalalagyan ng karatulang Kalye 99. Naglakad siya palayo sa bag. Tumungo siya sa bungad ng tulay. Kinuha niya ang isang matulis na bagay mula sa kanyang bulsa at inukit ang salitang Missing In Action. Kasunod nito ang numerong 13 tapos dash at panghuli ay ang 09.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko napansin na meron palang dash sa pagitan ng 13 at 09.

Alam ko na! Para kay Gani ang inukit niyang mensahe. Missing In Action, MIA, ibig sabihin sa eskwelahan. 13-09, ID number ng guard na si Gregorio na ka-close ni Mia. Napansin ko ang numero nang magkausap kami at mapatingin ako sa ID niya noong pumunta ako sa MIA. Hindi ko lang ito pinagtuunan ng pansin dahil ang nasa isip ko ay para sa lock ang mga numerong iyon.

-----------------------------------------------------------------

Umubo ako nang umubo nang bumalik ang aking ulirat. Nakita kong nakapatong sa akin si Gani na wala pa ring malay. Punong puno ng usok ang pantalan.

Niyugyog ko ang kanyang balikat. Kita ko ang dugo mula sa kanyang tenga at likuran.

"Gani, Gani, please gumising ka!" Nagpapanic kong sabi sabay tapik sa kanyang pisngi.

Nabuhayan ako ng pag-asa nang umungol siya. Umubo siya sabay buga ng dugo.

"Mia!" Ungol niya sabay hawak sa akin para kumpirmahing ayos lang ako.

Ako pa talaga ang una niyang inintindi. Unti-unti siyang bumangon habang pilit na iniinda ang kanyang mga sugat. Hinatak niya ako at tinulungang makatayo.

Muli siyang umubo at napasandal sa cargo na nasa aming likuran.

Nang humupa ang usok ay bumungad sa amin ang nagkalat na bangkay. Bumaligtad ang sikmura ko nang makita si Antonio na nakahandusay sa simento na putol ang mga paa. Nanghihingalo itong nanginginig nginig pa.

Tumalikod ako sabay suka. Shit!

Napatingin sa akin si Gani.

"Parang di ka na nasanay." Humihingal niyang sabi sabay hagod sa aking likuran.

Hindi ako si Mia, talagang hindi ako sanay makakita ng ganyan!

Narinig naming may gumagalaw sa bandang gilid. Nahintakutan ako ng makita ang lalaking sinaksak ko ng icepick. Sunog ang kanang parte ng kanyang mukha at katawan.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon