CHAPTER 15: STARTING ALL OVER AGAIN

1.6K 132 22
                                    

Nina

Ramdam na ramdam ko nang tumama ang bala sa aking balikat. Kumalat sa asul kong t-shirt ang dugo mula sa aking sugat. Nanlalabo ang aking mga mata habang inaaninag ang isang lalaking may hawak na baril na nakatayo sa hindi kalayuan.

Napaatras ako. Naramdaman ko ang pagdikit ng aking mga binti sa mababang harang na simento. Rinig ko ang malakas na ragasa ng tubig sa creek sa ilalim ng tulay. Nagpatihulog ako!

----------------------------

Napabalikwas ako sa kama. Humihingal akong pawis na pawis. Alam kong nanaginip ako ng pagkahaba-haba pero bakit ang naaalala ko lang ay nang mabaril ako hanggang sa magpatihulog ako sa tulay.

Napapikit ako nang tumama ang sinag ng araw sa aking mga mata mula sa nakabukas na bintana.

Luminga-linga ako sa paligid. Paano ako nakabalik sa kwarto namin?

Pumasok si Ate Bel sa kwarto.

"Nina, buti gising ka na!" Nagagalak niyang sabi sabay lapit sa akin.

Nginitian ko siya. Bakit parang kakaiba ang kanyang reaksyon? Magigising naman talaga ako dahil umaga na.

Niyakap niya ako nang pagkahigpit higpit.

"Ate Bel..." Usal ko. Nakakapagtaka talaga.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "3 days ka na kayang natutulog." Sabi niya.

Napamulagat ang aking mga mata.

"3 days!!!!" Gulat na gulat kong sigaw.

Tumango si Ate Bel.

Napatingin kami sa pinto nang pumasok si Reyden.

"Erica!" Nakangiting tawag niya sa akin.

Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama. Sinipat niya ang aking noo at leeg sabay hinga ng malalim.

"Good thing you're awake." Patuloy niya na waring nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Ano ba kayo, okay lang naman talaga ako." Sagot ko.

Hindi pa rin ako naniniwalang tatlong araw akong natulog. Pinagtritripan ba nila ako?

Sunod na pumasok ng kwarto si Ethan. Humihingal pa siyang lumapit sa akin. Pabiro niyang ginulo ang buhok ko katulad ng parati niyang ginagawa.

"I'm actually planning to kiss you kapag hindi ka pa nagising ngayon, sleeping beauty." Biro niya.

Hinampas ko siya sa balikat. "Loko-loko ka talaga!" Biro ko sabay tawa.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero masaya akong makitang nakangiti silang lahat.

"Hindi ba kayo papasok sa opisina?" Taka kong tanong.

"Sunday kaya ngayon." Tatawa-tawang sagot ni Ate Bel.

"Nakatulog talaga ako ng tatlong araw? Hindi kayo nagbibiro?" Nakakunot-noo kong tanong.

"Oo nga, ang kulit mo rin ano!" Sagot ni Ethan.

Totoo nga na nakatulog ako ng tatlong araw. Hindi ko pa rin talaga lubos na maisip kung bakit. Wala naman akong nararamdamang kakaiba. Ang huling naaalala ko ay nang sagutin ko ang sinabi ni Reyden na I miss you.

Pagkatapos noon ay wala na akong ibang narinig. Paggising ko ay nandito na ako sa kwarto.

Pagkatapos nila akong lokohin nang lokohin ay bumaba muna sila Ethan at Ate Bel. Naiwan kami ni Reyden sa loob ng kwarto.

"I was really worried when you collapsed." Sabi ni Reyden.

"Sorry, I wasn't able to finish the conversation." Sabi ko.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon