Kinalma ko ang aking sarili. Pinilit kong kalimutan ang nakakapanindig balahibong panaginip tungkol sa tatay ni Jane.
Naramdaman ko ang paghagod ni Dave sa aking likod. Marahan akong lumayo sa kanya at pinagmasdan ang kanyang itsura. Nakasuot siya ng dark blue na polo at black slacks na tinernohan niya ng itim na sapatos. Napakapormal ng kanyang itsura pati ang pagkakaayos ng kanyang buhok.
"What happened? Why am I here?" Takang-taka kong tanong.
Napakunot ang noo ni Dave.
"I should be the one asking why you slit your wrist for the second time?" Naguguluhan niyang tanong.
Ako naman ang napakunot ang noo. "I slit my wrist?" Naguguluhan ko ring tanong.
Hinawakan ni Dave ang magkabilang pisngi ko.
"Jane, please, you can tell me everything. What's wrong? Why do you want to die?" Mahinahon pero diretso niyang tanong.
"My god Dave, why would I want to die?" Balik kong tanong sa kanya.
Napahawak siya sa kanyang sintido; bakit parang mas naniniwala siyang gusto kong magpakamatay?
"Jane, I'm serious about this. You know how much I love you; tell me how I can help on whatever things you're going through right now." Pakiusap niya sabay hawak sa aking mga kamay.
Nakakapagtaka talaga ang nangyayaring ito.
"Wait, let's make this clear. I really cannot understand where you're coming from. Can you explain what happened?" Seryoso kong tanong.
Ang huling naaalala ko ay nakabihis na ako at palabas na ng kwarto dahil alam kong parating na si Dave.
Kinuwento ni Dave ang nangyari. At exacly 6pm ay nasa baba na siya at nakapark sa tapat ng building. Tinawagan niya ako pero walang sumasagot. Tinext niya ako pero wala rin akong reply. Patuloy siyang naghintay iniisip na baka nag-aayos pa ako kaya hindi ko siya sinasagot.
Around 6:30pm nang magpasya siyang akyatin ako sa apartment dahil hindi pa rin ako sumasagot. Kumatok siya ng ilang beses pero hindi ko siya pinagbuksan. Pinihit niya ang pinto pero naka-lock ito.
Takang-taka siya dahil parang walang tao sa loob. Muli siyang bumalik sa kotse at paulit-ulit akong tinawagan pero wala pa rin.
Nag-aalala na siya ng husto nang bigla siyang makatanggap ng text mula sa akin. Sinabi ko sa text na nakikipag-break ako sa kanya at ayoko na siyang makita.
Gulat na gulat siya sa natanggap niyang message. Imbes na umalis ay naisipan niyang tawagan si Ate Bel. Sinabi ni Ate Bel na nasa apartment lang ako. Sinabi niya rin na excited ako sa date namin kaya imposibleng bigla-bigla na lang akong makikipag-break sa kanya.
Dahil nakaduty si Ate Bel ay naki-usap siya kay Dave na akyatin akong muli sa apartment.
Muling umakyat si Dave at kinatok ako. Nang wala pa ring sumasagot mula sa loob ay nagpasya siyang sipain ang pintuan hanggang sa masira ito at bumukas.
Tumungo siya sa kwarto at doon niya ako nakitang walang malay na nakahiga sa kama; laslas ang aking pulso at punong-puno ng dugo ang kama.
Hindi ako naglaslas!
Ilang sandaling nabalot ng katahimikan ang private room na kinaroroonan namin ni Dave. Paano ko ba ipagdidiinan na hindi ako nagpapakamatay!
Inalis ni Dave ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Sinilid niya ito sa kanyang bulsa at inilabas ang isang itim na maliit na kahon.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!