CHAPTER 49: DIE

1.3K 108 28
                                    

Nina

"San mo nakuha 'yang bracelet?" Patay malisya kong tanong.

"Hindi mo ba naaalala? Bigay mo kaya yan sa akin." Sagot niya habang naghuhubad ng pantalon.

"Talaga?" Muli kong tanong.

"Yup. Tinago ko talaga lalo na noong inakala kong patay ka na." Malungkot niyang sagot.

Pinilit kong ngumiti pero sa totoo lang ay gusto kong umiyak. Si Gani ang bumaril kay Mia! Kaya ba ayaw ipakita ni Mia ang lalaking bumaril sa kanya dahil hindi niya matanggap na boyfriend niya mismo ang dahilan ng pagpapatihulog niya? Napasinghap ako.

Tumunog ang cellphone ni Gani. Kinuha muna niya ito at sinagot. Confident siyang naglakad papunta sa veranda na suot lamang ang kanyang underwear.

Yumuko ako at pumikit. Hindi ako makapaniwala. Puno ng pagkadismaya ang puso ko.

Kailangan kong tumakas. Saan niya nilagay ang usb? Pagkaabot ko sa kanya kanina ay ibinulsa niya ito sa kanyang pantalon pero wala ito sa mesa. Nakapatong ang pantalon niya sa ibabaw ng side cabinet.

Naulinigan ko siya.

"She's safe sir. Ako na ang bahala sa kanya!"

Naalala ko ang mga action movies na napapanood ko. Kapag sinabing safe, ibig sabihin ay kabaligtaran.

Napahinga ako ng malalim. Inilabas ko sa bulsa ang aking cellphone at tinext si Ate Bel. HELP lang ang naisend ko dahil pabalik na si Gani.

"Bukas natin ibibigay ang usb kay General." Balita niya.

Tumango ako. Hindi niya pwedeng mahalata na alam kong isa siyang traydor.

"Nagugutom ka ba? Order tayo ng pagkain? Wash up lang ako." Tuloy tuloy niyang sabi.

Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya tuluyang pumasok sa Banyo.

Bakit parang totoo naman na mahal niya si Mia? Bakit ibang-iba ang nararamdaman ko kaysa sa sinasabi ng utak ko? Bakit parang may mali? Ang galing niyang magpanggap, bagay na bagay sa kanya ang pagiging undercover!

Nang marinig kong bumukas ang shower ay marahan akong lumakad papunta sa kanyang pantalon. Kinapa ko kung nasaan ang usb. Nahanap ko ito at kinuha.

Tahimik kong binuksan ang pintuan at mabilis na lumabas ng kwarto. Pinindot ko ang elevator key at agad na sumakay pagkabukas nito. Patakbo akong lumabas ng hotel.

Luminga-linga ako. Wala ng gaanong sasakyan sa paligid. Tumakbo ako palayo sa hotel habang nag-aabang ng kahit anong pwedeng masakyan.

May bumusinang taxi. Pinara ko ito at mabilis na sumakay. Sinabi kong ihatid niya ako sa Police Station 8 sa Sta. Mesa.

Muli kong inilabas ang cellphone sa aking bulsa. Kainis, lowbat na! Sinubukan kong tawagang muli si Ate Bel pero hindi na talaga umabot ang baterya.

Ilang minuto ang nakalipas nang lumiko ang taxi sa kabilang kalsada. Napalingon ako sa kalsada kung saan kami dapat dumaan.

"Manong, sa Sta. Mesa po tayo!" Sabi ko sa kanya.

Hindi siya kumibo.

Napakunot ang noo kong tumingin sa kanya. Parang pamilyar ang kanyang mukha. Napalunok ako nang bumilis ang aming takbo.

"Manong, sa Sta. Mesa po tayo!" Mas malakas kong sita sa kanya.

Sinulyapan niya ako pero hindi pa rin siya umimik. Nakita ko ang malapad niyang ngiti!

Shit! Naaalala ko na. Siya yung lalaking may mahabang buhok na dumungaw sa creek nang malaglag si Mia.

"Anong kailangan mo?" Matapang kong tanong.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon