CHAPTER 27: THE STORY

1.6K 111 15
                                    

Nina

Bigla akong napabangon sa kama sabay hawak sa pawis na pawis kong noo. Humihingal akong bumangon at tumungo sa bintana para buksan ito at makasagap ng sariwang hangin.

Nanaginip na naman ako. Halos araw-araw akong nananaginip ng parehong-parehong senaryo. Ngayon lang ito nangyari. Bakit parati na lang akong bumabalik sa tulay na iyon? Bakit iyon at iyon na lang ang pinapakita ni Mia?

Napaupo ako at napasandal sa pader. Marahan kong inuntog-untog ang likod na aking ulo sa malamig at matigas na simento.

"Ano bang gusto mong sabihin Mia? Please tulungan mo naman ako! Hindi ko maaayos ang problema mo kapag hindi mo ipinakita sa akin ang lahat ng mga pangyayari. Nauubos ang oras ko Mia, please tulungan mo ako." Desperado kong usal.

------------------------------------------

Reyden

Almost two weeks have passed. Inilabas ko ang susi ng condo unit mula sa bulsa ng aking jacket tsaka ko binuksan ang pinto para pumasok sa loob. Mabuti na lang talaga at kumuha ako ng unit noon na binabayaran ko ang monthly amortization para kahit papano ay makapundar ako ng sarili kong property.

Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa aking katawan pagkatapos kong magwork-out sa gym sa ibaba.

Agad akong tumungo sa ref at kumuha ng malamig na tubig sabay tungga nito. Nagtanggal ako ng jacket at t-shirt sabay shoot sa laundry basket. Napangiti ako nang saktong-saktong pumasok ang tira ko. Mukhang may effect ang araw-araw na pakikipaglaro ko kay Ethan ng basketball these past few days.

Humugot ako ng tuwalya sa cabinet at agad na pinunasan ang pawis na pawis kong katawan. Sumalampak ako sa sofa sabay bukas ng TV.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. I'm starting to love this kind of life; wala akong iniisip na trabaho, wala akong iniisip na problema, walang maingay, walang nakikialam, walang istorbo. I feel so free!

May isang buwan pa ako para magrelax at magpahinga bago ako magsimula sa bago kong trabaho. Narinig kong tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesita.

Tiningnan ko ang orasan. Alas otso y medya na. Napangiti ako. Mukhang kilala ko na kung sino ang nagtext. Kinuha ko ang aking cellphone at binasa ang message.

Sabi na nga ba, si Erica. Wala siyang palya sa pagbati sa akin ng good morning. Hindi pa kami nagkikita ng personal simula nang umalis ako ng mansyon. Kahit papano ay namimiss ko rin ang kakulitan nilang dalawa ni Ate Bel.

Magshoshower na sana ako nang may marinig akong kumakatok.

Napakunot ang noo ko. Who the hell is that? Walang nakakaalam na nandito ako bukod kay Ethan.

Nagsuot muna ako ng t-shirt bago ko binuksan ang pinto.

Bumungad sa aking harapan ang aking ina. Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano niya nalamang nandito ako?

Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang bahagyang panginginig ng aking mga kamay. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong klaseng nerbiyos.

"Reyden." Ingat na ingat niyang tawag sa aking pangalan.

Tinikom ko ang aking bibig.

Inihakbang niya ang kanyang kanang paa.

"Why are you here?" Mapait kong tanong.

"Can I just talk to you, please." Sabi niya gamit ang nangungusap niyang mga mata.

Marahan niyang hinaplos ang braso ko. Kinuyom ko ang aking kamao sabay buntong-hininga. Gusto kong ipakitang galit ako sa kanya pero hindi ko magawa.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon