CHAPTER 57: IDENTITY

1.4K 110 33
                                    


Ang pangalan ko ay Jane Brookes, 23 years old, ipinanganak noong January 5, 1988 at nakatira sa Unit 26-06 Campbell Apartment, Downtown, San Francisco, California.

Isa akong half Filipino half American, Fil-Am, yun lang hindi ako nagmana sa tatay kong Kano. Nagmana ako ng chocolate kong kulay sa nanay kong pinagmumura ako sa hospital.

Matangkad ako, nasa 5'7". Hindi ko masasabing maganda ako, hindi ko rin masasabing pangit! Ah basta- wala na akong pakialam sa aking itsura.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng closet mirror; sinisipat ang aking itsura dahil ito ang araw na kailangan ko nang bumalik sa trabaho.

Tatlong araw ang nakalipas. Lumabas ako ng ospital na literal na ako lang talaga ang lumabas, walang nanay, walang tatay, walang kapatid, walang kaibigan, at siyempre walang boyfriend.

Mabuti na lamang at nasa wallet ko lahat ng impormasyong kailangan ko, kahit papano ay nagpapasalamat pa rin ako sa nanay ko sa pagdala ng mga gamit ko sa ospital.

Nagtratrabaho ako bilang isang Inventory Clerk sa isang supermarket sa sentro. Paano ko nalaman? Nakita ko ang employee ID ko.

Hindi ako mayaman. Saktong-sakto lang ang laman ng bank account ko at nadagdagan pa ang utang ko dahil sa bill sa ospital. Nakita ko rin ang bill para sa mortgage ng apartment na ito na duedate na pero wala pa akong pambayad.

Napangiti ako sa harap ng salamin. Di bale, pagdating ni Ate Bel dito, uutangan ko siya agad! Utang na hindi na kailangang bayaran.

Natawa ako sa aking sarili. Mula nang bumalik ako sa nakaraan ay hindi ko na iniintindi kung may pera ba ako o wala. Sa awa ng Diyos, hindi pa naman ako naghirap; mukhang ngayon palang yata.

Bumuntong hininga ako. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa maliit na kitchen. Binuksan ko ang maliit na cabinet sa bandang itaas at kinuha ang loaf bread na mag-eexpire na bukas. Inabot ko ang bote ng palaman at sinimot ito dahil ubos na. Nakain ko na ang lahat ng tinapay pero gutom pa rin ako. Kainis talaga! Parati na lang akong nagugutom!

Lumabas ako ng apartment at pinindot ang elevator. Pagbukas nito ay puno na ang loob. Napatitig silang lahat sa akin. Kasya pa naman ang isa pero nakita kong hindi sila umuusod kaya naman sumenyas akong hindi na ako sasakay.

Nasa 26th floor ako ng building na ito. Kaya ko 'to, maghahagdan na lang ako. Exercise din iyong matatawag.

Nakakailang floor pa lang ako ay hingal na hingal na ako. Di rin ako nakatiis at naghintay na lang ng elevator.

Nag-abang ako ng bus sa terminal malapit sa kanto. Ginoogle ko na kanina kung paano ako makakarating sa pinagtratrabahuhan kong supermarket.

Lumangitngit ang bus nang sumakay ako. Dumaan ako sa gitna at humanap ng bakanteng upuan. May nakita akong bakante sa tabi ng isang may edad na babae. Umupo ako.

Narinig kong umubo siya. Nasikipan yata siya kaya medyo umurong na lang ako kahit halos kalahating pwet ko na lang ang nakaupo.

Nang makarating ako sa stop ay agad na akong bumaba at lumakad ng ilang kanto papunta sa supermarket.

Napalunok ako nang makita ang karatula.

This is it! Kahit wala akong kaalam-alam sa lahat, go lang nang go!

Pumasok ako sa loob.

Napatingin sa akin ang isang babaeng emplayado rin. Ngumisi siya sabay lapit sa akin.

"Here!" Sabi niya sabay abot ng chart. "You should pay me for doing your job." Pataray niyang sabi sabay talikod.

Napangiwi ako. Bakit ba ang susungit ng mga tao rito?

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon