CHAPTER 54: GIFT

1.3K 120 36
                                    

Cheers for the last chapter of Mia! This is dedicated to @charity_gwyne_g1 for her unending support and belief in this story!

-----------------------------------------------

Kasama namin si Gani at Montalban na tumungo sa address na nakasulat sa papel. Ano nga ba ang makikita ko sa lugar na iyon?

Itinigil ni Reyden ang sasakyan sa tabi ng isang junkshop. Sabay-sabay kaming bumaba at naglakad papasok. Madilim, marumi, at makalat ang loob nang malawak na tambakan ng mga basura, ano nga bang in-expect ko.

Naglakad pa kami papasok at naaninag ang isang maliit na barong-barong na siyang natatanging may ilaw sa gitna ng kadiliman.

Kumatok si Reyden sa pintong gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy. Maya-maya ay bumukas ang pinto at bumungad ang isang matandang lalaking hukot na hukot ang likod.

Ngumiti siya kay Reyden na para bang hindi ito ang una nilang pagkikita.

Tumingin sa akin si Reyden. "Mia, treat this as our final gift before you go." Sabi niya.

Hindi ako nakakibo. Nalulungkot ako. Nangilid ang luha sa aking mga mata pero hindi ko ito pinahalata. Iniisip ko pa lang na malapit na naman akong umalis, naiiyak na ako.

Bumukas nang tuluyan ang pinto at nauna akong pumasok sa loob.

Bahagya akong napanganga at napatulala nang makita ko ang isang lalaking naka-wheelchair. Pumayat siya kumpara sa matipuno niyang katawan noon. Humaba na ang kanyang buhok, bigote, at balbas na animo'y hindi siya nakapag-ayos ng mahabang panahon.

Tuluyang tumulo ang luha sa aking mga mata. Buhay ang tatay ni Mia at nandito siya sa aking harapan.

Napahikbi ako. Ramdam na ramdam ko ang paglabas ni Mia. Tuluyan akong nawalan ng kontrol sa kanyang katawan.

Huminga ako ng malalim at sumunod na lang sa agos ng mga pangyayari.

Tumakbo kami palapit sa kanyang ama at mahigpit siyang niyakap. Humagulgol kaming parang bata.

"Akala ko patay ka na! Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Garalgal ang boses naming tanong sa kanya.

Umiiyak rin ang kanyang ama habang yakap kami.

"Hinihintay talaga kitang bumalik dito." Tangi niyang sagot.

-----------------------------------

Malalim na ang gabi pero patuloy pa rin kami sa pag-uusap. Nakaupo kaming lahat palibot sa isang bilog na mesa sa loob ng maliit na barong-barong.

Isang pulis at undercover agent ang ama ni Mia. Ilang taon niyang pinaghirapang kumuha ng ebidensiya at listahan ng mga taong konektado sa sindikato. Lahat ng mga ebidensya ay inilagay niya sa usb at itinago sa kahon sa columbarium.

Kasama ng ibang mga undercover agent ay nagawa nilang i-double cross ang palitan ng kargamento at ng isang bilyong piso. Siya ang nagtago ng mga ito sa isang lugar na siya lang ang nakakaalam.

Dahil sa nangyari ay inutos ni Salazar na patayin lahat ng mga taong sangkot sa deal.

Alam ng kanyang ama na maaari siyang mamatay kaya nag-iwan siya ng regalo kay Mia. Siya ang nagsulat ng tula na inakala kong galing kay Mia. Ang Sisalliv na nakasulat ay walang iba kundi siya.

Ang gusto niya lang naman ay ang makita ni Mia ang pera at ang usb para maibigay ito sa tamang kinauukulan pero iba ang ginawa ni Mia.

Nang makita ni Mia ang kanyang ama na nahulog sa pantalan ay agad siyang tumalon sa tubig para maisalba ang buhay nito. Hindi niya ito nakita kahit anong sisid at langoy ang kanyang ginawa. Hindi niya matanggap na patay na ang kanyang ama.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon