CHAPTER 56: UNEXPECTED

1.4K 115 39
                                    

Hi Everyone! Nagbabalik ang continuation ng I AM NINA: Saving Lives!! 

To @AyameAihara, thank you for the wonderful cover!! 😍😘

Enjoy Reading!

----------------------------------------------------------

Hindi ko na kailangan pang hulaan kung nasaan ako. Alam kong nandito na naman ako sa favorite kong tambayan, ang ospital.

Pangatlong katawan ko na ito. Bagong katawan, bagong pagkatao, bagong environment, at bagong mga sikreto. Ano na naman ang kailangan kong gawin para sa babaeng ito, sa babaeng nagngangalang Jane.

Sumagi sa isip ko si Reyden, si Ethan, si Ate Bel, ang sarili ko, at ang pamilya ko. Hindi ko sila pwedeng biguin. Kailangan kong magpatuloy; hindi ako pwedeng sumuko. Masyado na akong maraming napagdaanang mahihirap na sitwasyon para tumigil ako rito.

Marahan kong minulat ang aking mga mata.

Nakangiti ang isang nurse na nasa aking tabi. Inaayos niya ang nakasabit na blood bag sa gilid ng kama na nakatusok sa kaliwa kong pulsuhan. Sinasalinan ako ng dugo.

Ang nurse na nasa tabi ko, maganda siya, matangkad, sobrang puti ng kulay ng kanyang balat at blonde ang kulay ng kanyang buhok.

Wala ako sa Pilipinas. Kaya pala hindi ko ma-contact si Ate Bel.

Nanghihina kong tinanong ang nurse kung nasaan ako. Sinagot niya na nasa ospital ako sa San Francisco, California.

California? Wow! Bakit ako nandito?

Tinanong ko kung anong petsa na.

March 3, 2011.

Magkadugtong na magkadugtong ang araw. March 2 lang nang humiwalay ako kay Mia.

Lord, hindi ba pwedeng mag-break? Nakakapagod kaya! Reklamo ko sa aking isipan.

Sinabihan ako ng nurse na magpahinga. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at natulog.

Nang muli akong magising ay may isang babaeng nasa aking tabi.

"Hey, good thing you're awake." Bungad niya.

Nabosesan ko siya. Siya yung babaeng tinawagan ko kanina.

"Alicia?" Usal ko. Iyon ang pangalan na nakalagay sa contacts.

Ngumisi siya. Isa siyang Black American na matangkad, payat, at nakabraid ang kulot at makapal niyang buhok.

"Happy to see you alive!" Biro pero may pagka-sarcastic niyang sabi.

Nginitian ko siya. Kung hindi dahil sa kanya malamang tuluyan na akong naubusan ng dugo.

Tumabi siya at umupo sa gilid ng kama.

"Hey Jane, why'd you do that? You said you were fine. I thought you had moved on from that guy." Sabi niyang punong-puno nang pagtataka at pagkadismaya.

Move on? Guy? Broken-hearted ba ang babaeng ito kaya siya nagpakamatay?

Bahagya ko siyang nginitian.

"Sorry, I never really meant to do that. I was just confused; it was actually an accident." Pagdadahilan ko habang pilit na ginagaya ang kanyang American accent.

Mukhang dudugo ang ilong ko rito ka-i-english.

Tinaasan niya ako ng kilay sabay ikot ng kanyang mga mata. Halatang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Hindi naman talaga kapani-paniwala ang aking sinabi, may suicide bang aksidente lang?

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon