CHAPTER 29: RUN

1.5K 106 17
                                        

Nina

Tumawa ang lalaki sabay ngisi.

"Kapag siniswerte ka nga naman talaga!" Tuwang-tuwa niyang bigkas.

"Sino ka?" Tanong ko.

Ngumisi na naman siya. Umabot sa tenga ang malademonyo niyang ngiti.

Naramdaman ko ang mga yabag na palapit sa amin. Pasimple akong sumulyap patalikod at nakita ang grupo ng kalalakihan na palapit sa amin.

Hindi maganda 'to.

"Yayaman na tayo mga boys!" Malakas niyang sigaw sabay tingin sa mga lalaki.

Inikot ko ang kamay ko para makawala sa mahigpit niyang hawak sabay malakas na tuhod sa kanyang ari. Kahit papano ay natuto naman ako ng konting self-defense.

Napasigaw siyang napaluhod. Kumaripas ako ng takbo pabalik sa aking pinanggalingan kanina.

"Habulin niyo yung babae!" Namimilipit na sigaw ng lalaki.

Agad kumilos ang mga kasama niyang lalaking mukhang mga adik. Tama nga ang sinabi nung bata!

Dumadagundong sa kaba ang dibdib ko. Hindi ako makatakbo ng mabilis dahil sa suot kong heels at sa masikip kong skirt. Palapit na sila sa akin.

"Shit!" Sigaw ko.

Tinanggal ko ang suot kong heels at inihulog sa tabi ng nakaupong batang kalye.

"Babalikan ko 'yan!" Sigaw ko sa kanya sabay takbong muli.

Mabuti na lang talaga at sanay akong tumatakbo!

Tumigil ako saglit para punitin ng mas mahaba ang slit ng aking skirt. Wala na akong pakialam kung anong maging itsura ko kahit pa sabihing nakakawala ng poise ang nangyayaring ito!

Nakasunod pa rin ang mga lalaki sa akin. Naghiwahiwalay pa talaga sila para lang mahabol ako. Nakita kong may kasalubong akong isa kaya naman kahit naka-red pa ang traffic light ay bigla akong tumawid. Rinig na rinig ko ang busina ng mga sasakyan at ang galit na galit na sigaw ng mga driver.

Muntik-muntikan na akong mabangga pero wala akong pakialam. Ang alam ko lang ay kailangan kong tumakbo.

Hinihingal na ako at bumibigay na ang aking mga tuhod. Saan ba may malapit na police station dito?

Luminga-linga ako. Nasaan na ba ako?

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Naramdaman ko ang malapad na kamay na tumakip sa aking bibig sabay hablot sa aking baywang papasok sa madilim at makipot na alley sa pagitan ng dalawang gusali. Nahila niya ako hanggang sa kumaliwa kami sa isang tagong parte na sa palagay ko ay tapunan ng basura.

Nagpapalag ako at pinilit na tanggalin ang napakalakas niyang braso na nakapulupot sa akin.

"Ssshhh! It's me!" Mahina niyang bulong sa tenga ko.

Natigilan ako. Ibinaba ko ang aking mga kamay at huminga ng malalim. Unti-unti niyang inalis ang pagkakapulupot ng kanyang kamay sa aking katawan.

Itinapak ko ang nanginginig kong mga paa sa basang simento. Hinihingal akong humarap sa kanya. Tinitigan ko siya gamit ang pagod na pagod kong mga mata.

"Reyden!" Usal ko sabay yakap sa kanya.

Niyakap niya rin ako pabalik. Hinayaan niya akong makapagpahinga habang nakahilig ang aking ulo sa pagitan ng kanyang leeg at balikat.

"Are you okay?" Pabulong niyang tanong.

Tumango ako.

Umayos ako ng pagkakatayo sabay pahid ng pawis sa aking mukha.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon