DED Part 3

1K 56 50
                                    


Napalunok ako ng lumapit ang isang babaeng napakalakas ng appeal. Sa tikas at tindig niya ay parang luluhod ang lahat ng nilalang sa kanyang harapan.

Yumuko ang mga nilalang. Tinitigan ako ng babae.

"Ako si Ashzac (@zacash), Reyna ng emperyo! Kami ang proprotekta sa'yo!" Matapang niyang sambit.

Napatulala ako. Isa siyang Reyna!

Lumapit ang isang babae. Nakalugay ang kanyang itim at mahabang buhok. May takip ang kanyang bunganga pababa sa kanyang leeg. Napakaganda ng kanyang pulang baluti. Isa siyang knight.

"Siya ang iyong protector, si Rhaine (@RachelleRhaineQuinic)." Sabi ni Ashzac.

Lumapit si Jherald. Mukhang tapos na silang maglaro ng mga kalaban niya.

"Protector? Sigurado kang si Rhaine ang napili mo para protektahan ang taong ito?" Nanunuyang tanong ni Jherald.

Maniniwala na akong isang baliw si Jherald kapag hindi siya tumigil.

Nakita kong sumingkit ang mga mata ni Rhaine. Bigla siyang nawala sa aking harapan. Paglingon ko ay nasa harap na siya ni Jherald. Hindi ko nakita ang kanyang ginawa pero tumalsik si Jherald nang pagkalayo-layo.

Napanganga na naman ako. Pagtingin ko ay nasa harapan ko na muli si Rhaine.

"Huwag kang mag-alala, buhay pa siya." Sabi ni Rhaine na ang tinutukoy ay si Jherald.

Wala namang kumikobo sa kanilang lahat. Mukhang sanay na silang parating ganito ang nangyayari.

Lumapit ang isa pang babae. Isa rin siyang knight. Ang pinagkaiba nga lang ay kulay asul ang kanyang baluti.

"Siya si Dice (@dice_chararat), isa ring protector." Pakilala ni Ashzac.

Gigil na nagsalita si Dice. "Hindi lang dapat ganon ang ginawa mo sa kanya Rhaine! Mas masaya kung isinilid mo siya sa sako, inilagay mo sa drum, binuhusan mo ng simento, at inihulog mo sa dagat."

Paimpit na natawa si Rhaine.

"O mas mabuting pagpira-pirasuhin ang kanyang katawan!" Dugtong ni Dice sabay angat ng kanyang kamay.

Itinutok niya ang kanyang palad sa isang mayabong na puno. Nagkapira-piraso ang puno at bumagsak ito sa lupa.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napanganga mula kanina. Kawawa yung puno!

"Zarina! Reverse!" Utos ni Dice.

Napakamot ng ulo si Zarina sabay snap ng kanyang daliri. Bumalik ang puno sa kinatatayuan nito na parang walang nangyari.

Lumapit ang pang-apat na babae.

"Let's go!" Seryoso niyang sabi.

Napansin ko ang kanyang katawan na parang naglalaho at nag-iiba ng kulay base sa kanyang kapaligiran. Para siyang isang chameleon. Dahil sa sobrang pagka-curious ko kung invisible nga ba siya o hindi ay pasimple kong hinawakan ang kanyang baywang.

Lumusot ang aking kamay.

"She's empty." Sabi ni Ashzac.

Anong ibig niyang sabihin sa empty?

Mas lumapit pa sa akin ang babae. Bumulong siya, "I may be empty, but I'm real. My name is Hannah (@emptyhannahreal)."

Napatitig ako sa kanya. Naaaninag ko ang kanyang magandang mukha kahit nawawala wala ang kanyang anyo.

"Hanggang sa susunod nating pagkikita." Sabi ni Ashzac sa lahat ng mga naroon.

Ibinigay ni Zarina ang tulog pa ring si Ellie kay Dice. Lumapit ako kay Ashzac. Sa isang iglap ay napunta kami sa loob ng isang napakagandang kastilyo. Teleportation ang kapangyarihan ni Hannah!

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon