Mahigpit niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig. Rinig na rinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso.
Kusang pumikit ang mga mata ni Mia. Unti-unti kong naramdaman ang pagkawala ng aking kontrol sa kanyang katawan. Ngayon lang nangyari ang ganito habang gising ako.
Ilang segundo ang lumipas at malakas na itinulak ni Mia ang lalaki sabay sampal sa kanang pisngi nito.
Sa isang iglap ay biglang nagbalik ang kontrol ko sa katawan ni Mia. Hinawakan ko ang kamay kong medyo namanhid dahil sa sampal na pinakawalan niya.
Ang bilis ng transition namin ni Mia! Gusto niya lang ba talagang sampalin ang lalaking ito?
"I'm sorry, I didn't mean to do that." Nagi-guilty kong hingi ng paumanhin.
Nagsalubong ang kilay ng lalaki sabay himas sa kanyang pisngi.
"Ayos lang, kahit ilang beses mo kong sampalin tatanggapin ko. Kung tutuusin, kulang pa ang lahat ng 'yan kung ikukumpura sa nagawa ko sayo." Emosyonal niyang sabi.
Napakagat labi ako sabay ngiwi. Wala akong kahit na anong ideya sa mga sinasabi niya.
"Sino ka ba?" Nag-aalangan kong tanong.
Nagugulumihanan siyang napatingin sa akin.
"Hindi mo ko kilala?" Gulat na gulat niyang tanong.
Umiling ako. "Hindi." Sagot ko.
Napabuntong-hininga siya sabay hawak sa kanyang noo. Napalunok siya nang malalim.
"Paanong nangyaring hindi mo ko kilala?" Takang-taka niyang tanong.
"Ummm, wala akong naalalang kahit ano maliban sa pangalan ko." Sagot ko.
Napanganga siya.
"Hindi mo rin naaalala kung ano ang nangyari sa'yo?" Muli niyang tanong.
Tumango ako.
Huminga siya nang malalim na parang nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib. Pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi.
Nanghihinayang siguro siya sa emosyong ipinakita niya kanina. Sayang ang pag-iyak niya dahil hindi ko naman pala alam ang kanyang mga pinagsasasabi.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
"Mia, makinig ka. May mga sindikatong naghahanap sa'yo. Kailangan mong alalahanin kung nasaan ang ebidensiyang makakapagdiin sa taong nasa likod ng malawakang illegal drug operation na ito. Ang ebidensyang iyon lang ang kailangan natin para matapos ang lahat." Seryoso niyang sabi.
Mariin akong napatitig sa kanya.
"Bakit ako? Paanong napunta sa akin ang ebidensyang 'yon?" Nakamulagat kong tanong.
"Binigay sa'yo ng tatay mo!" Sagot niya.
"Paano kung wala sa akin? Paano kung hindi ko maalala kung nasaan ang sinasabi mo?" Muli kong tanong.
Napakamot siya ng ulo. "Alalahanin mo Mia! Hindi pwedeng hindi mo maalala!" Giit niya.
"Nasaan ang tatay ko?" Tanong ko.
Hindi siya nakaimik.
"Nasaan ang tatay ko?" Ulit kong tanong.
Napasimangot siya sabay iwas ng tingin. "Wala na siya, Mia. Napatay siya ng sindikato." Malungkot niyang balita.
Napasinghap ako at hindi nakakibo.
"Mia, tandaan mo ito. Magtago ka hanggat hindi mo pa naaalala kung nasaan ang ebidensyang sinasabi ko. Kapag naalala mo na, tawagan mo ako kaagad." Bilin niya.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!