First month: 250 pounds
Second month: 244 pounds
Third month: 235 pounds
Fourth month: 229 pounds
Fifth month: 215 pounds
Sixth month: 200 pounds
Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang aking fitness chart. Long way to go sa isip-isip ko. I lost 50 pounds sa loob ng anim na buwan. Malaki na ang aking ipinayat at maluluwang na ang mga damit na isinusuot ko dati, but still mataba pa rin ako.
Medyo mabagal ang pagbabawas ko ng timbang dahil minsan ay pumapalya ako sa pagkain. Yayain ba naman ako ni Boss Dave na samahan siyang maglunch sa halos araw-araw na ginawa ng diyos. Ano bang meron sa lalaking iyon at parang ayaw niya akong makitang nagugutom?
Inakbayan ako ni Letty.
"Come on, let's start." Yaya niya.
Tumango ako at mabilis na ginawa ang aming mga routines.
Nang matapos akong magwarm-up ay tumigil ako saglit para kumuha ng hangin.
Pumasok ang isang babae sa gym. Napalingon ang mga kalalakihan nang makita siyang dumaan. Para siyang isang anghel na kumikinang at nagliliwanag habang naglalakad. Nakapusod ang mahaba niyang itim na itim na buhok. Ang ganda ng kislap ng bilugan niyang mga mata. Labas lahat ng mapuputi niyang ngipin nang siya ay ngumiti.
Kitang-kita ang korteng puso niyang mukha na bumagay sa kabuuan ng kanyang itsura. Makinis at malambot ang kanyang balat na hindi kayumanggi pero hindi rin sobrang puti. Sumusunod sa bawat hakbang niya ang paggalaw ng kanyang cup C na dibdib.
Perfect ang hugis ng kanyang beywang hanggang sa kanyang balakang na talagang kapansin-pansin dahil sa suot niyang hapit na hapit na sports bra at leggings.
Maganda na siya noong chubby siya paano na lang ngayong nakuha na niya ang kanyang perfect body weight.
Tumigil siya sa aking harapan. "I'm here na!" Magiliw niyang bati sabay yakap sa akin.
Kahit pumayat siya ay parehong-pareho pa rin ang kanyang aura at ang kanyang masayahing personalidad.
"Anong petsa na Ate Bel!" Reklamo ko sabay taas ng kilay.
Inakbayan niya ako sabay tawa. "Sorry, nahirapan akong sumakay!" Depensa niya.
"Tsaka ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag kang magsuot ng ganyan! Sabi ko di ba mag-tshirt ka at mag-jogging pants!" Sita ko.
Tumawa na naman siya. Hindi niya talaga ako sineseryoso!
"Ano ka ba, sayang namang nagpapayat ako kung hindi ko ipapakita." Biro niya.
Napangisi ako. "Sira ka talaga! Ang dami kayang nakatingin sa'yo, kulang na lang hubaran ka nila!" Giit ko.
Ngumiti si Ate Bel. "Okay fine, next time!" Nakakaloko niyang sagot.
Next time raw; puro siya next time hindi naman niya sinusunod.
"Hey Bel!" Tawag ni Franco.
"Hi Franc!" Ganting bati ni Ate Bel.
Lumapit si Franco at nagbeso-beso silang dalawa. Ang tamis ng ngiti ng bruha. Inukutan ko siya ng mata. Nagkita na naman sila ng kanyang crush. Crush na crush niya si Franco; buti na lang may asawa na itong lalaking ito kung hindi ay ewan ko na lang!
Inakbayan ako ni Letty at muling niyaya para ipagpatuloy ang aming nasimulan.
Napangiti ako habang nagwo-work out. Biggest looser after 6 months. Ang nanalo, walang iba kundi si Ate Bel na kinareer ang pagdi-diet at pagwo-work out. Hindi naman halatang gustong-gusto niyang makita si Ethan.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!