Touchdown!
Nagkatinginan kami ni Ate Bel sabay ngiti sa isa't-isa after more than 6 hours na flight galing California papuntang Canada.
"Let's go ladies!" Masayang yaya ni Dave sabay abot ng aking kamay.
Magkahawak kamay kami hanggang sa makababa ng eroplano.
"How sweet." Pang-aasar ni Ate Bel sa aming dalawa.
Natawa si Dave. "Hey Bel, go get a guy!" Biro niya.
"She already has one. Actually, we are here for her boy--friend" Pang-aasar ko.
"Really?" Tanong ni Dave.
"Shut up Jane! Isusumbong kita kay Reyden kapag hindi ka tumigil!" Birong sita ni Ate Bel.
"What did she say?" Curious na tanong ni Dave.
"She's just jealous! She hasn't confessed her love for that guy." Patuloy kong pang-aalaska sa kabila ng pagbabanta ni Ate Bel.
Napangiti si Dave. "You better tell him!" Kantyaw niya kay Ate Bel.
"Arrggh! Stop it both of you! You know what, your girlfriend is really crazy." Ganti ni Ate Bel kay Dave sabay turo sa akin.
"Yeah, she's crazy in love with me!" Tatawa-tawang sagot ni Dave.
Natawa na lang ako. Alam kong excited si Ate Bel na makita si Ethan. Ang tanong magpapakita kaya siya o susundin niya ang deal na hanggang tingin lang kami?
Pagkakuha namin ng mga luggage ay agad kaming sumakay ng taxi at nagpahatid sa hotel na pina-book namin isang linggo na ang nakalipas.
---------------------------------
Nagising ako sa loob ng isang bahay. Napakaganda at napakalawak ng paligid.
Nakita ko si Jane na nakaupo sa malaki at malambot na sofa habang nagbabasa ng isang magazine. Ibang-iba ang kanyang itsura; nakasuot siya ng off-shoulder na croptop at maiksing shorts. Napakaganda ng kanyang katawan at napakaaliwalas ng kanyang mukha. Ang ganda niya!
Alam ko na kung bakit in-love sa kanya si Dave mula pa noon.
May isang binatilyong pumasok.
"Ate Jane! I'm so excited! Dad said we are going to Canada! Yes, yes, yes!" Excited na excited nitong sabi.
Siya siguro ang kapatid ni Jane.
"Yeah, yeah. Don't get too excited. Next month pa 'yon!" Sabi ni Jane.
"Kahit na! We're still going! Niagara Falls, here we come!" Tuwang-tuwa pa ring sabi ng kanyang kapatid.
Napangiti ako. Mukhang masaya ang pamilya nila noon. Iginala ko ang aking paningin. Nakita ko ang kalendaryo, July 28, 2009.
Naalala kong bigla ang diary. August 9, 2009 nagpakamatay ang kapatid niya. Muli kong tinitigan ang kanyang kapatid; excited siya na pupunta sila ng Canada pero bakit bigla siyang nag-suicide?
Inihakbang ko ang aking paa paakyat sa hagdan. Ang nakita lang ni Jane noon ay ang nagkalat na dugo ng kanyang kapatid sa sahig ng kwarto nito.
Nakarating ako sa second floor ng bahay. Nakita ko ang pangalan na nakasabit sa isang kwarto, Kade. Pumasok ako sa loob at bumungad ang isang typical na kwarto ng isang binatilyo. Magulo ang loob nito at nagkalat sa paligid ang mga kung anu-anong mga bagay.
Wala akong napansing kakaiba. Lumabas ako at muling bumaba. Nakita kong muli ang magkapatid na masayang nagkwekwentuhan sa sala.
-----------------------------------
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!