Reyden
Hindi alam ni Erica na pinuntahan namin ni Ate Bel ang address na nakasulat sa kapirasong puting papel na nakita ko kasama ng usb. Hindi na namin sinabi sa kanya dahil baka magpumilit siyang sumama.
Hindi namin inaasahan na ang makikita namin sa junkshop ay ang kanyang ama na buong pag-aakala namin ay patay na.
Masayang-masaya ako para kay Erica o mas makabubuting simulan ko na siyang tawaging Mia. Malapit na ang panahong aalis siya. Halos patapos na ang operation na ginagawa nila Gani sa grupo ng sindikato; kukunin na niya si Mia.
Bigla akong nalungkot nang mapagtanto kong aalis na siya sa condo. Ilang buwan din kaming nagkasama at naging malapit sa isa't-isa.
Dumaan kami sa bakeshop ni Ate Bel at bumili ng paboritong chocolate cake ni Mia para i-celebrate na buhay pa ang tatay niya kahit wala pa kaming balak sabihin sa kanya.
Masaya kaming nagbibiruan at nagkwekwentuhan habang nasa hapag nang tumawag si Gani at ibalitang nahuli na nila si Salazar.
Pinilit kong itago ang lungkot na aking nadarama dahil alam kong iyon lang ang hinihintay ni Mia para tuluyang sumama kay Gani. Tinawagan ni Mia si Montalaban para sabihing gusto niyang makita si Salazar sa huling pagkakaton.
Hindi ako sang-ayon sa paglabas ni Mia pero napapayag niya rin ako. Mayroon talaga siyang paraan para kumbinsihin ang mga tao sa paligid niya. Sinamahan namin siya sa hide-out. Nang matapos siya ay napagpasyahan namin ni Ate Bel na dalin siya sa junkshop para malaman na niya na buhay ang kanyang ama.
Halos tumulo ang luha ko nang makita ko ang kagalakan sa kanyang mukha habang patakbo niyang nilapitan ang kanyang ama na nakaupo sa isang wheelchair.
Napangiti ako. She deserves to find her happiness. Nanatili kami sa barong-barong para pakinggan ang tunay na nangyari kay Mia. Sa wakas naliwanagan na ang lahat.
Pagkatapos nang mahabang kwentuhan ay nagpaalam na si Montalban, ang leader ng mga pulis na lubos naming pinagkakatiwalaan. Sunod kaming nag-paalam ni Ate Bel dahil mukhang balak ni Mia na manatili rito kaysa sumama pa sa amin.
Malapit na kami sa sasakyan nang tawagin niya ang aking pangalan.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Hindi ko dapat ipakita na nalulungkot ako.
Hinagkan ko siya nang mahigpit. Huling yakap para sa isang itinuturing kong espesyal na kaibigan.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagyakap niya. Naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang mga luha. Katulad ko, nalulungkot din siya na magkakahiwalay na kami.
Hindi ko na pinansin kung gaano kami katagal na magkayakap. Ang sarap ng init na nagmumula sa kanyang katawan; katulad na katulad ng mga yakap ni Nina.
Naramdaman kong gumalaw ang kanyang ulo. Nabigla ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking labi.
Bakit niya ako hinahalikan? Alam kong mali pero hindi ko siya pinigilan. Nang ilayo niya ang kanyang labi ay saka siya bumulong.
"Mahal kita Reyds, wait for me, wait for Nina!" Mahina pero maliwanag niyang bigkas.
Napamulagat ang aking mga mata. Tinitigan ko ang aking harapan at ang aking mga kamay. Walang tao sa harap ko! Wala si Mia!
Idinako ko ang aking mga mata sa barong-barong. Nakita ko roon si Mia habang nakikipaghalikan kay Gani. Napakunot ang noo ko. Bakit siya nandon?
Kasama ko siya ngayon lang, di ba? Anong nangyayari?
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!