CHAPTER 58: REUNITED

1.4K 108 26
                                    


Napangiwi ako. Pakiramdam ko na-distort ang aking pagmumukha dahil sa kahihiyang aking nadarama.

"So tell me Jane, happy you made Harris' nose bleed?" Nakakaloko niyang tanong.

Hindi ako umimik.

"Can you remember how long you've been working in this supermarket?" Muli niyang tanong.

Napaisip ako. Kainis. Hindi ko alam ang sagot. "Umm, maybe a year or just months?" Hula ko.

Napahawak siya sa kanyang noo sabay tingin sa akin na waring tinatantiya kung nagsasabi ako ng totoo. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Do you regret what you've done?" Seryoso niyang tanong.

Huminga ako nang malalim. Kapag sinabi kong oo at nangako akong hindi ko na uulitin, malamang bibigyan niya pa ako ng chance para mag-stay sa trabaho.

Pero kapag sinabi kong nagsisisi ako sa paghampas sa mukha ng bastos na 'yon ay parang tinalikuran ko na rin ang prinsipyo ko sa buhay at parang ipinamukha ko sa sarili ko na pwede akong bastusin ng kahit na sino.

"Sorry for what I have done, but I don't regret it. Am I fired?" Diretsahan ko ng tanong. Wala na akong pakialam kung mawalan ako ng trabaho.

Sumilay sa mukha niya ang nakakalokong ngiti. Bakit siya ngumingiti?

Bahagya siyang tumawa.

"Why would you think I'd fire you?" Tumatawa niyang tanong.

"Because I did something against the rules." Sagot ko.

"I actually called you to say congratulations! At last, for once, you stood up for yourself!" Natutuwa niyang sabi.

Napalunok ako. Wala akong nagawa kundi ang mapatitig sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Listen, you've been working here for more than four years. We knew each other ever since and you are really such a great help. I won't ever fire a good employee for god's sake! I'm just so happy seeing you fight back from all those harrassments and insults!" Tuloy –tuloy niyang sabi.

Muli akong napalunok dahil amoy na amoy ko ang pinaghalong sweet at mint flavor ng kanyang pabango. Ang lapit niya sa akin!

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Keep it up! I've always wished that someday you'd be confident enough to defend yourself. I don't know what has gotten into your brain, but I don't care as long as you're fine."

Bahagya akong yumuko sabay ngiti. Mukhang ang problema ni Jane ay ang kanyang self-esteem, hindi na ako magtataka. Halos lahat naman ng ganito ang itsura ay nakakaramdam ng panliliit sa sarili.

Tinapik ako ni Boss Dave sa likod. "You can now go back to your work. If you need anything and if you cannot remember some part of your job, don't hesitate to ask me." Mabait niyang sabi.

Muli siyang bumalik sa kanyang upuan.

"Thank you!" Tangi kong nasabi.

Tumalikod na ako para lumabas.

"Jane!" Tawag niya.

Lumingon ako.

"Sandwich." Sabi niya sabay hagis ng isang naka-wrapped na tinapay.

Agad ko itong sinalo.

"I know your hungry." Sabi niya sabay kindat.

Natawa ako. "Yeah, I really am, can I have another one?" Biro ko.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon