CHAPTER 12: ANNOYING EACH OTHER

1.8K 128 28
                                    


Reyden

Pabalik na ako sa mansyon galing sa pagjojogging nang makita kong pumasok sa gate ang kotse ni Ethan. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita kong pababa ng kotse sila Erica, Ate Bel, at Ethan. Napangisi ako. Lumapit ako sa kanila.

Agad akong tiningnan ni Erica. Tinaasan niya ako ng kilay. Napakasulpada niya talaga. Humakbang siya palapit sa akin.

"So, mister antipatiko nandito na ako. Sino ang kakausapin ko?" Pataray niyang bungad sa akin na nakataas pa rin ang isang kilay.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Talaga naman! Ang ganda ganda ng araw sisirain niya lang. Bumuntong- hininga ako sabay pameywang.

"Ate Bel knows kung saan ka pupunta." Pasuplado kong sagot sa kanya sabay walk-out. Nakakainis talaga siya.

Lumapit ako kay Ate bel. Nakiusap ako sa kanya na kung pwede ay siya na ang magdala kay Erica kay Tita Letty, head ng housekeeping.

Ayoko talagang nakikita ang pagmumukha ng Erica na 'yan, kumukulo ang dugo ko. Kung bakit ba kasi inalok ko pa siyang magtrabaho rito! Balak ko lang naman siyang inisin; hindi ko akalaing kakagatin niya talaga ang offer na maging isang katulong. Napakaweird niya talaga.

Nagshower na ako at agad na nagbihis. Pagkalabas ko ng bahay ay nakita kong masayang nag-uusap si Erica at Ethan. Napangisi na naman ako, bakit ba napakaclose nila sa isa't-isa? Pinisil ni Ethan ang ilong ni Erica, katulad na katulad nang ginagawa niya noon kay Nina. Ganyan niya ba tratuhin lahat ng mga babae?

Huminga ako ng malalim. Bakit parang naiinis akong makitang magkasama silang dalawa? Ano bang pakialam ko kung ano ang relasyon nila?

Nagpaalam na ako sa kanila at sumakay sa kotse. Kailangan ko nang umalis at baka malate ako papuntang opisina. Hindi ko na niyayang sumabay sa akin si Ate Bel dahil mukhang ihahatid naman siya ni Ethan.

Lumipas ang maghapon. Hindi ko maintindihan kung bakit parang gusto kong umuwi kaagad kaya naman pagpatak ng alas sais ng gabi ay nagmamadali na akong lumabas ng opisina.

Pagkarating ko ng mansyon ay dumiretso muna ako kay Tita Letty. Pagkakita niya pa lang sa akin ay nakangiti na siyang sumalubong.

"Reyden!" Bati niya.

"Hi Tita!" Ganti kong bati sabay kuha sa kanyang kamay para magmano.

"Thank you ha!" Nakangiti niyang sabi.

"Para saan po?" Taka kong tanong.

"Sa nirecommend mong si Ica. Ang bait ng batang 'yon! Bukod sa mabait, masipag at may kusang palo!" Excited niyang balita sa akin.

Napakunot ang noo ko sabay pilit na ngumiti. Excited akong umuwi dahil gusto kong makarinig ng mga kapalpakang nagawa ni Erica pero bakit baligtad ang sinasabi ni Tita? Napangisi na lang ako. I am a bit disappointed dahil hindi nangyari ang ine-expect kong mangyari. Mabait siya? Saan banda?

Naglakad na ako papunta sa bahay pagkatapos naming magkwentuhan ni Tita. Malayo pa lang ako ay naaninag ko na ang nakabukas na ilaw sa bungad ng bahay. Duplex ang quarters na tinutuluyan namin. Sa kanan kami nakatira ni Papa habang si Ate Bel naman ang nasa kaliwa.

Nadatnan kong nagbabasa ng libro si Erica habang nakapangalumbaba sa maliit na mesa sa bungad ng kanilang quarters. Napatingin siya sa akin nang marinig ang yabag ng aking mga paa. Ilang segundo niya akong tinitigan. Ito na naman ang mga titig niyang hindi ko maintindihan ang ibig sabihin.

"Welcome home!" Bati niya. Himala hindi siya nagtataray.

Hindi ako sumagot. Nakita kong may nakapatong na isang pitsil na malamig na orange juice sa mesa at apat na walang lamang mga baso. Humakbang ako palapit sa kanyang kinauupuan at nagsalin ng orange juice.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon