7th month: 190 pounds
8th month: 181 pounds
9th month: 169 pounds
10th month: 160 pounds
11th month: 151 pounds
12th month: 140 pounds
Yes! Ayon sa Body Mass Index, hindi na ako obese!
Pumulupot sa beywang ko ang pamilyar na matipunong mga braso habang nakatayo ako sa harap ng front desk kung saan nakalagay ang aking chart.
"Love, how about staying at my place tonight?" Pilyo niyang bulong sa tenga ko.
Napangiti ako. Ito na naman siya, nangungulit na naman.
Umikot ako at humarap sa kanya. Ikinawit ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg sabay ngiti.
"The deal is 130 pounds." Ngingiti-ngiti kong sabi.
"Argh, Jane, you're driving me crazy!" Reklamo niya.
Ngumiti ako. "Patience, Love!" Sabi ko sabay haplos sa kanyang pisngi.
Bahagya akong napatili nang bigla niya akong iangat at mahigpit na niyakap. Sa mga buwan na dumaan ay hindi nagkulang si Dave sa pagsuporta sa mga gusto kong gawin. Seryoso talaga siya kay Jane.
"You're beautiful!" Bulong niya bago niya ako ibaba sa sahig.
"Thank you!" Sagot ko habang nakatitig sa kanyang magagandang mata.
Mahigit isang taon na ang nakalipas at nandito pa rin ako sa katawan ni Jane. Walang kakaiba, walang nangyayaring hindi maganda, at walang mga nakakatakot na panaginip.
Nakakatuwa dahil hindi ako nakakaramdam ng stress. Pakiramdam ko nakapagpahinga ako ng maayos at unti-unting nagiging ala-ala lahat ng mga masamang nangyari sa nakaraan.
Nabaling lahat ng atensiyon ko sa pagpapapayat at kay Dave. Maging si Ate Bel ay mukhang nakapag-break sa pag-aalala at pag-intindi sa akin.
Isinantabi niya ang nararamdaman niya kay Ethan at naghanap ng mga bagay na pwedeng pagkaabalahan maliban sa kaniyang trabaho.
Masaya akong ang nasapian ko ay si Jane. Masaya rin ako dahil dito kami sa California napadpad kung saan walang kahit na sino ang konektado sa aming buhay mula sa nakaraan.
"Get a room, will you!" Biro ni Franco sabay tapik sa balikat ni Dave.
Natawa kami ni Dave.
"I'm done! Let's go home?" Yaya ni Ate Bel sabay alis ng gloves sa kanyang kamay.
Nang makuha ni Ate Bel ang kanyang perfect body weight ay nagsimula siyang magkick-boxing para ma-maintain ang kanyang katawan. Sa tuwing susuntok siya pakiramdam ko nakikita niya ang mukha ni Ethan sa punching bag.
Kinuha lang namin ni Ate Bel ang aming mga gamit at sabay-sabay na kaming tatlo nila Dave na lumabas ng gym.
Pagkababa namin sa pick-up ay agad akong hinawakan ni Dave.
"Wait!" Sabi niya sabay kuha ng isang malaking paper bag sa likod ng sasakyan.
Inabot niya ito sa akin.
"What's this?" Taka kong tanong.
"I want you to wear that tomorrow. I'll pick you up at 6pm. Let's go somewhere for a date." Nakangiti niyang sabi.
Napatingin ako sa hawak kong bag sabay ngiti.
"Okay." Tangi kong nabanggit.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko sabay halik sa aking noo.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!