Nina
Lumipas ang mga araw at patuloy ako sa pagtratrabaho bilang secretary ni Dad.
"Here's the revised report Sir." Sabi ko sabay lapag ng folder sa kanyang table.
Kinuha ko ang isa pang folder. "This one is urgent, needs your signature Sir."
Kinuha niya ang folder at agad pinirmahan ang mga papel sa loob nito.
"What's my schedule for today?" Tanong niya.
"Meeting at 10am with the Management Committee, meeting with Mr. Vernon at 2pm, online conference for LA Branch at 5pm." Tuloy-tuloy kong sagot.
"Why is there a vacant time between 12 to 2pm?" Seryoso niyang tanong.
"For your lunch Sir." Sagot ko.
Napatingin siya sa akin. "Maybe you can advance some meeting para hindi sayang ang oras." Utos niya.
"I can't do that Sir. I have already fixed your schedule until next week. Okay na po ang lahat. Gusto niyo po bang tawagin ko si Reyden to join you for lunch?" Alok ko kay Dad.
Napabuntong-hininga siya. Hindi siya agad nakaimik, halatang nag-iisip. "He might be busy."
"Anyway Sir, you need to eat your lunch properly! Yung tipong kain lang talaga, walang meeting, walang business talk, walang stress. You need to take good care of yourself, Sir Art." Payo ko sa kanya sabay ngiti.
"Then eat with me! People might think I'm a loner kapag nakita nilang kumakain akong mag-isa." Utos niya.
Napangiti ako. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako bakit nagreresign ang mga secretary ni Dad? Mabait naman siya o sadyang kilalang kilala ko lang siyang talaga.
"Okay po." Sagot ko sa kanya.
Sa buong isang linggo ko sa trabaho ay hindi ko pa nakitang walang kameeting si Dad sa bawat oras na lumipas. Kaya naman sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng oras para sa sarili niya habang ako ang kanyang secretary.
Kinagabihan.
Alas syete na nang matapos ang video conference. Inalok ako ni Dad na sumabay na sa kanya pauwi pero tumanggi ako dahil may kailangan pa akong tapusing report.
Naiwan akong mag-isa sa opisina. Sinimulan ko ang report na kailangan kong tapusin. Makaraan ang halos isang oras ay natapos ko na ito. Nag-inat ako ng aking katawan sabay hikab. Ipinatong ko ang aking ulo sa aking braso na nakapatong sa table. Inaantok ako.
-------------------------------------
Nagising akong nakatayo sa gitna ng isang tulay. Pinagmasdan ko ang aking sarili, suot ko pa rin ang corporate attire na suot ko sa opisina. Nananaginip na naman ako.
Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nakita ko na ang lugar na ito noong huli akong nanaginip.
Humakbang ako at naglakad patungo sa gilid ng tulay. Dumungaw ako. Malakas ang agos ng tubig dahil pababa ang direksyon ng creek. Hindi ako makapaniwalang nahulog dito si Erica. Narinig kong may mga yabag na papunta sa aking kinaroroonan, lumingon ako.
Nakita kong humahangos na tumatakbo si Erica kasunod ang isang lalaki. Napatigil si Erica sa gitna ng tulay.
"Mia, saglit!" Sigaw ng lalaki.
Mia ang pangalan niya! Bahagya akong napangiti, sa wakas alam ko na ang itatawag ko sa kanya.
Tinitigan ko ang lalaking humahabol kay Mia. Bakit hindi ko makita ang kanyang mukha? Para itong binubura na hindi ko maintindihan. Nilapitan ko siya. Bakit unti-unti siyang nabubura mula ulo pababa sa kanyang mga paa?
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!