CHAPTER 23: FRIENDS OR LOVERS

1.6K 116 30
                                    

Nina

Hindi ko mapigilang tumulo ang aking mga luha habang pinagmamasdan kong umiiyak si Reyden. Alam na alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay.

Bumalik sa aking ala-ala ang aking nakaraan at ang misyong dapat kong pag-ukulan ng pansin. Hindi pwedeng maranasang muli ni Nina ang naranasan ko noon. Hindi ko kakayaning makitang muli ang sarili ko sa sitwasyong katulad ng kay Reyden.

Wala kaming nagawa nila Ate Bel at Ethan kundi ang tumayo at samahan si Reyden hanggang sa maibuhos niya ang lahat ng mga luhang kaya niyang ibuhos.

Nang bumitiw si Reyden sa bangkay ni Tito ay idiniretso na ito ng nurse sa ibang silid para sa final post-mortem examination.

Halos madaling araw na nang magdesisyon kaming bumalik muna ng mansyon. Si Ethan na ang nagdrive para sa aming lahat.

Pagkababang-pagkababa namin ay agad naming natanaw si Dad na nakaabang malapit sa quarters. Kitang-kita ang pasa sa gilid ng kanyang kanang mata at ang mga band-aids sa palibot ng kanyang mukha.

Puno ng pag-aalala at pag-aalangan ang kanyang mga mata na lumapit kay Reyden. Nagtama ang kanilang paningin. Hahawakan sana ni Dad si Reyden pero agad itong umiwas at tumuloy sa kanilang quarters.

Napansin kong maayos at malinis na ang quarters nila Reyden. Pinalinis na siguro ito ni Dad. Sinenyasan kami ni Ethan na siya na muna ang bahala kay Reyden.

Narinig ko ang malakas na buntong-hininga ni Dad sabay suksok ng kanyang mga kamay sa loob ng kanyang bulsa.

"Erica and Bel, can you help Reyden fix everything. Tell HR that Reyden won't be coming to work for the meantime. Make sure he gets all the support he needs. Charge everything on my account." Malungkot na utos ni Dad.

"Yes Sir." Sabay naming sagot ni Ate Bel.

Bahagya siyang ngumiti at tuluyang lumakad papasok sa mansyon. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan ang kanyang likuran hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

Maaayos din ang lahat Dad. Magkakaroon ka rin ng happy ending pagkatapos ng lahat ng ito. Sabi ko sa aking sarili sabay buntong-hininga.

Kinabukasan.

Hindi ko pa lubos na maidilat ang aking mga mata dahil sa antok nang gisingin ako ni Ate Bel. Lulugu-lugo akong bumangon at pumasok sa banyo para magshower. Ang sarap ng mainit na tubig na dumadaloy sa aking katawan.

Pagkalabas ko ng banyo ay agad akong nagbihis. Mag-aalas nuwebe na pala ng umaga. Pagbabang pagbaba ko ay nakita ko si Ate Bel na naghahanda ng agahan.

"Good morning Ate Bel!" Bati ko sa kanya.

"Morning Nina!" Bati niya pabalik.

"Ang aga mo namang nagising." Reklamo ko.

"Natural, pwede akong dayshift, nighshift, at kahit ano pang shift ang gusto mo." Biro niya.

Napangiti ako. Oo nga pala, nurse nga pala si Ate Bel.

"Gisingin mo na rin kaya sila sa kabila." Patuloy ni Ate Bel.

"Okay sige." Sagot ko.

Lumabas na ako ng quarters at kumatok sa kabila. Nang walang sumagot ay pinihit ko ang pinto. Hindi ito nakalock. Pumasok ako sa loob at nadatnan ang napakaraming bote ng alak na nagkalat sa sahig at mesa.

Nagawa pa talaga nilang mag-inumang dalawa?

Nang hindi ko sila makita sa 1st floor ay agad akong umakyat ng hagdan. Inuna kong puntahan ang kwarto ni Reyden na nakabukas ang pintuan. Nakita kong natutulog pa siya habang nakataklob ng comforter ang kanyang buong katawan.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon