Naramdaman ko ang marahas niyang pagsabunot sa aking buhok. Hinila niya ako papasok sa kwarto at patihayang initsa sa sahig.
Hilong hilo ako. Pakiramdam ko namanhid ang buo kong katawan. Ni hindi ko man lang magawang sumigaw.
Nakita kong inalis niya ang kanyang jacket kasunod ang kanyang tshirt.
Hindi, hindi, ayoko, huwag! Desperado kong usal sa aking sarili.
Lumapit siya sa akin at pumaibabaw sa aking katawan. Hinawakan niya ang aking magkabilang pulsuhan at idiniin ito sa sahig para tiyakin na hindi ako makakagalaw.
Napaungol ako nang dinilaan niya ang aking mukha. Wala akong nagawa kundi ang mapaiyak. Diring-diri ako sa ginagawa niya. Pilit kong sinubukang makawala sa kanya pero para siyang isang demonyong ang balak lang gawin ay ang pagsamantalahan ako.
Sinubukan kong sumigaw sa abot ng aking makakaya pero ginantihan niya lang ito ng isa na namang suntok na tumama sa aking sikmura.
Muli akong napaubo. Magkahalong laway at dugo ang lumabas sa aking bibig.
Nanginginig ang buong katawan ko sa pinaghalo-halong takot at sakit. Nagsimulang pumatak ang luha mula sa aking mga mata. Tuluyan akong nawalan ng lakas ng isa pang suntok ang dumapo sa aking panga.
Ramdam ko nang punitin niya ang aking tshirt at hubarin ang suot kong bra. Lalong nanginig ang katawan ko nang maramdaman ko ang magaspang niyang kamay sa aking dibdib at ang labi niyang humahalik sa hubad kong katawan.
"Tama na, huwag!" Desperado at nanghihina kong usal.
Patayin mo lang ako. Ayoko na, ayoko na! Sigaw ko sa aking isipan bago ako tuluyang mawalan ng malay.
--------------------------------------------------------------------
Reyden
Dumiretso ako sa condo pagkabalik na pagkabalik ko sa Manila galing US. Sa wakas, I'm Home after 10 days!
Humilata ako sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. Ramdam ko pa ang jetlag. Tumunog ang aking phone at nakita kong nagchat si Mama. Nangangamusta kung nakauwi na ako.
Agad ko siyang sinagot at sinabing nasa condo na ako.
Malungkot sila na mas pinili kong bumalik sa Pilipinas kaysa mag-stay sa America kasama nila. Nangako akong babalik sa US pagkatapos kong mapatunayan sa sarili ko na kaya kong maging magaling na Engineer gamit ang sarili kong abilidad at hindi dahil sa favor at pangalan ni Dad.
Masaya akong nakabalik na ako. Magsisimula na ako sa bago kong project sa susunod na dalawang linggo.
Tumayo ako at kinuha sa closet ang iniwan kong sim card na gamit ko simula pa noong college. Sinalpak ko ito sa phone. Maya maya ay nagsidatingan na ang mga text messages na naipon.
Brinowse ko ang mga text messages. Ang nakatawag pansin lang sa akin ay ang message na galing kay Ethan. Alam niyang magbabakasyon lang ako sa America.
Binasa ko ito.
Bro, I haven't got the chance to say goodbye. We're migrating to Canada. In case you read this message, I just got one favor to ask. Please take care of Erica until she remembers everything about her life. Do it for me, babawi na lang ako sa susunod nating pagkikita.
Napakunot ang noo ko. Nasa Canada na si Ethan? Hindi ako makapaniwala. Wala man lang siyang nabanggit sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Umalis ako noon dahil alam kong kasama ni Erica at Ate Bel si Ethan. Naalala kong bigla ang mga lalaking humahabol sa kanya.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!