Nina
Ipinark ni Reyden ang kotse sa dati nitong pwesto sa labas ng mansyon. Magkasabay naming inalis ang aming seatbelt. Aktong bubuksan ko na ang pinto nang bigla siyang magsalita.
"Erica, don't get off. Hintayin mo ko riyan." Utos niyang parang hindi pwedeng mabali.
Hindi na ako nakasagot at hinintay na lang siyang umikot at buksan ang pinto. Pagkabukas niya nito ay agad siyang yumuko at ikinawit ang kanyang mga braso sa aking likod at hita. Binuhat niya akong muli palabas ng kotse.
Nakamulagat na lang akong titig na titig sa kanyang mukha habang nakakawit ang mga kamay ko sa kanyang leeg. Namula ang pisngi ko nang masulyapan ko si Dad na nakaabang sa harap ng sasakyan ni Reyden.
Natigilan si Reyden.
"Is Erica okay?" Pag-aalalang tanong ni Dad pagkakita sa amin.
"She's fine." Agad na sagot ni Reyden.
Napakagat labi na lang ako sabay subsob ng aking ulo sa dibdib ni Reyden. Nagkunwari na lang akong tulog.
"Are you staying here for tonight?" Nag-aalangang tanong ni Dad.
"No, hinatid ko lang si Erica." Sagot ni Reyden na halatang kinakabahan.
"Okay, do you want to have a glass of wine before you go?" Alok ni Dad.
Pasimpleng tumango si Reyden. "I'll be back in a bit." Sagot niya.
Nagpatuloy si Reyden sa paglalakad patungo sa quarters. Inilapag niya ako kung saan nakaabang ang aking tsinelas sa harapan ng pinto. Agad kong isinuot ang tsinelas at kinuha ang susi sa ilalim ng paso. Binuksan ko ang quarters at pumasok kami sa loob.
Narinig kong humugot si Reyden ng malalim na hininga.
"Nervous?" Tanong ko sabay ngiti.
Napangiwi siya. "Yeah." Sagot niya.
Natawa ako.
"Isipin mo na lang na mas kinakabahan si Sir Art kaysa sayo." Payo ko.
"This is the first time I'm going to talk to him as my father." Hindi niya mapakaling sabi.
Lumapit ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. "Kaya mo 'yan. Just be yourself and tell him what you really feel. Don't hesitate and don't hold back."
Nginitian nya ako. "Thank you."
Ramdam ko ang buong pusong pasasalamat niya. Iniwan na niya ako para puntahan ang kanyang ama.
----------------------------------
Reyden
Huminga ako nang malalim bago pumasok sa mansyon. Halo-halong kaba, takot, hiya, hesitation, excitement, at kung anu-ano pa ang aking nararamdaman.
Alam kong hindi ako pwedeng habang buhay na maging duwag sa pagharap sa tatay ko. Kailangan ko siyang kausapin.
Nakatayo siyang naghihintay sa akin sa malawak na sala hawak-hawak ang isang boteng wine at dalawang wine glass. Lumapit ako sa kanya.
"View deck?" Tanong niya.
"Okay po." Sagot ko.
Magkasunod kaming umakyat papuntang view deck kung saan parati kaming tumatambay mula noong bata pa ako hanggang ngayon.
Magkatabi kaming naupo sa dalawang silya sa harapan ng bilog na lamesang gawa sa kahoy.
Binuksan niya ang wine at sinalinan ang dalawang wine glass. Inabot niya sa akin ang isa.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!