CHAPTER 77: DROWNED

1.3K 119 32
                                    


Nasa dulo na ako ng silid nang bigla niyang itulak ang isang kotse hanggang sa bumangga ito sa pader malapit sa akin. Napaatras ako at natatarantang tumakbo sa kabilang direksyon. Muli niyang itinulak ang isa pang kotseng nakaharap sa pader hanggang sa bumangga muli ang nguso nito.

"Stop running Jane!" Tiim-bagang niyang sigaw.

Shit! Kaya niya tinulak ang mga kotse ay para ma-corner ako!

Isang kotse na lang ang nasa pagitan naming dalawa. Tumungo siya sa likod nito at malakas itong itinulak pabangga sa pader.

"Nowhere to run?" Nang-aasar niyang tanong sabay halakhak.

"HELP! HELP!" Malakas kong sigaw para tawagin ang atensyon nila Mr. Liam na nasa labas.

Mabilis na tumakbo ang tatay ko na hindi ko pala tatay palapit sa akin sabay damba sa aking katawan hanggang sa mapadikit ako sa pader. Marahas at malakas niyang hinawakan ang aking leeg sabay sakal sa akin.

Maubo-ubo na ako nang matigilan siya dahil sa nakita niyang communication device. Kinuha niya ito mula sa akin at isinuot sa kanyang tenga.

Narinig niya siguro ang boses ni Mr. Liam sa kabilang linya na sinasabing papasukin na nila ang shop. Muli niyang tinanggal ang device sabay apak dito.

"I'll show you the best way to die, Jane!" Nanggagalaiti niyang usal.

Ipinulupot niya ang kanyang braso sa aking leeg at pakaladkad akong hinila papunta sa silid na pinanggalingan niya kanina. Wala akong nagawa kundi ang sumigaw at manlaban na balewala rin dahil sa hindi maipaliwanag na lakas ng sira-ulong lalaking ito.

Pagkapasok sa silid ay hinablot niya ang makapal na lubid na nasa mesa gamit ang isa niyang kamay sabay tulak sa aparador na lagusan pala papunta sa isang garahe.

Nakita ko ang isang itim na vintage car na nakaparada. Binuksan niya ang passenger's seat at pinilit akong papasukin sa loob. Nang manlaban ako ay agad siyang nagpakawala ng isang malakas na suntok na tumama sa aking mukha.

Bumangga ang aking likod sa gilid ng sasakyan at tumulo ang dugo mula sa aking ilong. Bigla akong nanghina at nahilo sa lakas ng suntok na kanyang pinakawalan.

Para akong lantang gulay na ipinasok niya sa loob ng kotse. Tinali niya ang aking mga paa at inikot ang lubid sa ilalim ng upuan. Sunod niyang itinali ang aking mga kamay at ibinuhol ang lubid sa handle bar sa aking ulunan.

Huminga ako nang malalim gamit ang aking bibig. Ramdam ko pa rin ang pagpatak ng dugo mula sa aking ilong.

Nang makasakay siya sa driver's seat ay pinindot niya ang isang button. Bumukas ang isang automatic sliding door sa aming harapan.

Pinaharurot niya ang vintage car pagkabukas na pagkabukas ng gate. Walang nagawa ang mga pulis na nakabantay sa labas kundi ang sumigaw at humabol!

-------------------------------------------------

Ate Bel

Kinakabahan kami ni Dave habang nakikinig sa usapan ni Jane at ng kanyang ama. Napakawalang puso at kaluluwa ng taong iyon na hindi naman pala tunay na ama ni Jane.

Narinig naming sumigaw si Jane na para siyang hinahabol. Sunod naming narinig ang malakas na kalabog na parang may bumangga sa pader.

"We need to help her now!" Sigaw kong puno nang pag-aalala.

"Yeah, tell your men to get in!" Segunda ni Dave na kanina pa hindi maipinta ang mukha.

Kinuha ni Detective ang kanyang radyo. Hindi pa siya nakakatawag ay narinig naming muli si Jane na nagpapanic at humihingi ng tulong.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon