CHAPTER 28: KNEEL

1.5K 108 11
                                    

Reyden

Nagpatuloy si Mama sa pagkwekwento. 

"Lumipas ang ilang buwan nalaman kong buntis ako. Ang saya-saya ko noon. Akala ko magbabago si Karding nang sabihin ko sa kanyang magkakaanak na kami pero nagkamali ako. Sinasaktan niya pa rin ako sa tuwing uuwi siya galing sa biyahe."

"Walong buwan akong buntis nang duguin ako dahil sa pananakit niya. Dahil doon ay ipinanganak kitang kulang sa buwan. Nag 50-50 ako noon dahil sa hindi magandang kondisyon ng katawan ko. Imbes na alagaan ako ni Karding ay walang humpay niya akong sinisisi sa mga nangyari sa sarili ko."

"Wala akong ginawa noon sa ospital kundi ang umiyak. Ilang beses kong tinanong ang panginoon kung bakit nangyari sa akin ang ganoon. Depress na depress ako. Inisip kong mas mabuti na lang sanang namatay ako."

"Dumalaw si Arturo sa ospital. Nakita kong awang-awa siya sa akin. Inalok niya ako ng isang bagay na hindi ko kayang tanggihan ng mga panahong iyon."

"Sinabi niyang kaya niya akong ilayo kay Karding. Sinabi niyang meron siyang property sa Amerika na pwede kong pansamantalang tirahan habang nagpapagaling ako at nag-iisip kung ano ang gagawin ko sa buhay ko."

"Tinanggap ko ang alok niya sa isang kondisyon, na dapat kasama kita sa pag-alis ko. Pumayag siya. Inayos niya ang lahat. Lilipad na sana tayong magkasama nang bigla kang magkasakit. Binalik ka namin sa ospital. Sinabi ni Arturo na mauna na lang ako at isusunod ka niya."

"Ayoko sanang iwan ka pero kinumbinsi ako ni Arturo na umalis na. Sinabi niyang siya ang bahala sa'yo at hindi ka niya papabayaan."

"Lumipad ako papuntang Amerika. Walang kaalam-alam si Karding. Naglaho akong parang bula."

"Araw-araw na tumatawag sa akin si Arturo at ibinabalita kung ano ang kondisyon mo. Naging maayos ang iyong kalagayan pero hindi ka na nagawang isunod ni Arturo dahil ikinasal na siya kay Cecilia at iniiwasan niyang magkaroon ng problema."

"Sinabi niyang huwag akong mag-alala dahil nasa mabuti kang kalagayan. Kahit papano raw ay inaalagaan ka naman ni Karding. Ilang buwan ang lumipas sinabi kong gusto ko nang bumalik sa Pilipinas. Pinigilan ako ni Arturo. Inalok niya akong mag-aral ng kolehiyo."

"Pinag-isipan ko talaga ang alok niya. Ano nga ba ang kahihinatnan ng buhay ko kapag bumalik ako ng Pilipinas? Anong mangyayari sa ating dalawa kapag habambuhay nating kasama si Karding. Ayoko nang magpakamartir. Sawa na akong parati na lang nasasaktan."

"Inisip kong mas makabubuti kapag makapagtapos ako ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho bago kita kunin."

"Pumayag ako sa alok ni Arturo. Tiniis kong hindi kita makasama at makita. Nagkasya na lang ako sa mga larawan at video na pinapadala sa akin ni Arturo."

Maluha-luhang tumigil si Mama sa pagkwekwento. Binuksan niya ang maliit niyang pouch at inilabas ang kanyang cellphone. Binuksan niya ito at ipinakita sa akin ang napakaraming pictures ko simula sa aking pagkabata hanggang sa kasalukuyan.

Napalunok ako. Pinigilan kong ipakita ang nararamdaman kong emosyon.

"Dalawang taon ang lumipas. Nagulat ako nang bumisita si Arturo sa Amerika. Inabot niya sa akin ang isang papel. Nagtaka ako kung ano iyon. Pagkabasa ko, nakita kong DNA result ang laman."

"Seryoso niya akong tinitigan. Tinanong niya kung paanong nangyaring anak ka niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Malay ko rin bang si Arturo ang ama mo at hindi si Karding. Isang gabi lang naman ang alam kong nagawa kong pagkakasala kumpara sa dami ng gabing pinagsaluhan namin ni Karding."

"Inamin ko sa kanyang may nangyari sa amin noong gabing lasing na lasing siya. Nagtampo siya sa akin dahil hindi ko man lang daw sinabi sa kanya na may nagawa siyang pagkakamali sa akin. Hindi niya raw sinasadya."

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon