Nina
Hindi ko na ulit sinubukang sabihin kay Reyden ang tunay kong pagkatao pagkatapos ng araw na iyon.
Ilang araw pa ang lumipas at tuluyan nang gumaling ang aking braso. Tinanggal na ang cast sa aking balikat at maayos ko nang nagagamit ang kaliwa kong kamay.
Paminsan minsan ay dumadalaw si Reyden sa bahay nila Ethan. Dahil naiinis pa rin ako sa kanya at hindi ko pa rin makalimutan na tinapon niya ang pinaka-iingatan kong kwintas ay hindi ko siya kinikibo. Alam kong hindi niya rin ako gusto, halata naman sa itsura ng kanyang mukha na bigla na lang nagbabago sa tuwing makikita niya ako.
Maaga akong gumising at nagpalit ng hoodie at jogging pants. Sinuot ko ang bagong pink rubber shoes na binili namin ni Ate Bel. Iniwan ko si Ate Bel na natutulog pa sa kama. Agad akong lumabas. Isinuksok ko ang aking mga kamay sa bulsa ng hoodie at nakayukong naglakad.
Nabuwal ako sa simento ng malakas na tumama sa aking noo ang bola ng basketball. Ramdam ko ang hilo at ang sakit nang tumama ang pwet ko sa lapag.
"Ahhhh!" Ungol ko habang hawak hawak ang parte ng aking ulo na tinamaan ng bola.
"I'm really sorry!" Nagpapanic na sabi ng pamilyar na boses. Si Reyden!
Napatingin ako sa kanya. Nakita kong agad na lumapit si Reyden at Ethan papunta sa akin. Napakaaga naman nilang maglaro ng basketball.
"Nina, are you okay?" Biglang tanong ni Ethan.
Napatingin kaming dalawa ni Reyden sa kanya. Sira ba siya, bakit niya ko tinawag na Nina.
"I mean Ica." Agad niyang bawi.
Mabuti na lang at hindi ito gaanong pinansin ni Reyden.
Sabay nilang inilahad ang kanilang mga kamay para tulungan akong makatayo. Nagdalawang isip ako kung kaninong kamay ang aabutin ko. In the end, inabot ko ang kamay ni Ethan.
Hinatak niya ako patayo at hinimas ang parte ng ulo ko na tinamaan ng bola.
"Okay lang 'yan, matigas naman ang ulo mo!" Biro niyang parang may ibang ibig sabihin.
Pabiro ko siyang inirapan.
"Where are you going? Samahan kita gusto mo?" Malambing niyang tanong.
"Nope, maglalakad-lakad lang ako, you don't need to come with me." Sagot ko sabay ngiti ng bahagya.
"Okay, just don't go too far." Paalala niya.
Tumango lang ako at naglakad palabas ng gate. Nasulyapan kong nakatingin sa akin si Reyden pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin.
Pagkatapos kong maglibot, lumanghap ng sariwang hangin, at magmunimuni ay agad na akong bumalik sa bahay. Hindi ko na nakita sa half court na nasa loob ng bakuran sila Reyden at Ethan. Mukhang tapos na silang maglaro.
Nadatnan ko silang tatlo na nagkwenkwentuhan at nagtatawanan sa sala na parang katulad lang ng dati; yun nga lang hindi na pwedeng maging tulad ng dati.
Kinawayan ako ni Ate Bel nang makita niya akong pumasok. Kumaway din ako sa kanya at sumenyas na magbibihis lang ako.
Umakyat ako ng kwarto at nagpalit ng damit. Imbes na bumaba ay nanatili ako sa kwarto at humiga sa kama. Hanggat maari gusto kong iwasan si Reyden, nagtatampo pa rin ako sa kanya.
Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Ate Bel.
"Bakit nakahiga ka pa riyan? Kain na tayo sa baba." Sabi niya sabay hila sa aking kamay.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!