Ate Bel
Patakbo kong nilapitan si Dave. Nadaanan ko ang bukas na kwarto namin ni Nina at nakitang walang tao sa loob.
Hinawakan ko si Dave at pinakiramdaman ang kanyang pulso sa leeg. Umungol siya. Mukhang nawalan lang siya ng malay.
Gumalaw si Dave. Hirap na hirap niyang itinungkod ang kanyang mga kamay habang pinipilit tumayo.
"Let me help you!" Sabi ko sabay alalay sa kanya patayo. Ang bigat niya!
Nakita ko ang pasa sa kanyang mga braso at nakita ko ang tubong nasa sahig. Mukhang iyon ang bagay na sinalag niya.
"Jane?" Ungol niyang tanong.
Hindi ako sumagot. Anong isasagot ko?
Nanghihina siyang pumasok sa silid namin habang nakaangkla ang kanyang braso sa aking balikat. Pinaupo ko siya sa kama. Bukod sa mga pasa niya sa braso ay may sugat siya sa kanyang noo. Hindi naman ganon kalala ang mga natamo niyang sugat pero bakit parang hinang-hina siya.
"Where's Jane?" Halos nabubulol niyang tanong.
"She's not here." Sagot ko.
Nasaan ka Nina? Anong nangyari sa'yo?
Umungol muli si Dave. Nakita kong nanginginig ang mga kamay niya habang hirap na hirap siyang iginagalaw ang kanyang mga daliri.
Hindi siya nanghihina; ang totoo ay hindi siya makagalaw!
Hinawakan ko ang magkabilng pisngi niya at sinipat ang asul niyang mga mata. Dilated ang kanyang mga pupils.
"Just calm down! You're somehow paralyzed! Just breathe continuously." Payo ko sa kanya.
Nakakita na ako nito sa ospital. May mga pasyenteng tinuturukan ng gamot para mamanhid ang katawan nang sa gayon ay hindi makasagabal sa operation.
Inilabas ko ang first aid kit sa aking bag at sinumulang linisin ang sugat ni Dave sa noo. nang matapos ko ito ay kumuha ako ng cold compress para ilapat sa kanyang mga pasa.
Umungol siyang muli na parang may gusto siyang sabihin.
"Don't worry, the drug will wear off anytime soon." Sabi ko sa kanya.
"Jane?" Muli niyang tanong.
"I already called 911, police are coming!" Balita ko.
Pinahiga ko muna si Dave habang hindi pa tuluyang nawawala ang pamamanhid ng kanyang katawan.
Balewalang tawagan si Nina dahil nandito sa loob ng kwarto ang kanyang cellphone. Nasaan siya? Ayokong mag-isip ng kung anu-ano dahil lubusan lang akong mag-aalala.
Kailangan kong umisip ng paraan kung paano ko siya mahahanap.
Dumating ang mga pulis at nagsimulang mag-imbestiga at magcheck sa paligid. Ilang minuto ang lumipas at dumating naman ang detective.
Agad niyang nilapitan si Dave na kahit papano ay nagawa nang makaupo sa gilid ng kama.
"You okay?" Tanong niya.
Tumango si Dave.
Nilabas ng detective ang isang inhalant sa kanyang bulsa at pinalanghap ito kay Dave.
Napasinghap si Dave. Ilang sandali ang lumipas at mas umayos ang kanyang lagay.
"I checked the drug bottle we saw at Jane's house. The drug somehow causes partial paralysis of muscles. This inhalant somehow can reverse the effect." Paliwanag ni detective sabay suksok ng inhalant sa maliit na bulsa ng t-shirt ni Dave.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!