Maaga akong gumayak kinabukasan para pumunta sa trabaho.
"Nina, I already filed a 7-day leave starting next week. Remember the deal?" Pagpapaalala ni Ate Bel habang naghahanda ng pagkain.
Ngumiti ako. "Of course I remember the deal! We are going to Canada!" Excited kong tili.
Tumawa si Ate Bel. "Nagpaalam ka na ba sa Boss Dave mo?" Tanong niya na talagang ginandahan ang pagkakasabi ng Boss Dave.
Nangiti ako. "Maybe later. He'll be mine before the day ends." Pabulong kong sabi na rinig pa rin naman niya.
"What do you mean? Sasagutin mo na siya?" Kinikilig niyang tanong kasabay ng magandang kislap ng kanyang mga mata.
Kinikilig akong tumango. "I read Jane's diary, fortunately she is also in love with Dave." Sagot ko.
-----------------------------
Pagkatapos kong mag-punch in ay tumuloy ako sa opisina ni Boss Dave. Huminga ako nang malalim. Kinakabahan ako, sana mag-work ang plano ko. Alam kong nasa loob na siya, hindi niya ugali ang ma-late.
Binuksan ko ang pinto. Napatingin siya sa akin nang pumasok ako. Hindi siya ngumiti at hindi niya rin ako binati. Nagtatampo pa rin siya.
Seryoso ang mukha kong lumapit sa kanya. Ibinaba ko ang resignation letter sa kanyang harapan.
"What's that?" Mahina pero seryoso niyang tanong.
"Resignation letter." Pabulong kong sagot.
Napatiimbagang siya. Matalim na mga titig ang isinagot niya sa sagot ko.
"Just read it, please." Sabi ko sabay talikod at labas ng kanyang opisina.
Isinara ko ang pinto at naghintay. Huminga ako nang malalim sabay ngiti. Ini-imagine ko ang itsura niya habang binabasa ang sinulat ko.
Wala pang isang minuto ay hindi na ako makapaghintay na buksan niya ang pinto. Ito na yata ang pinakamatagal na minuto ng buhay ko. Alam kong sineset-up ko lang ang dalawang ito para sa happy ending ni Jane pero hindi ko pa rin maiwasan na kiligin ng sobra.
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin niya binubuksan ang pinto. Ano bang ginagawa niya? Binabasa niya ba? Nagsisimula nang bumilis ang pintig ng puso ko, paano kung hindi naman niya binasa!
Dismayado akong napabuntong-hininga. Naghintay pa ako ng konting oras; nang hindi talaga bumukas ang pinto ay naglakas loob na akong pihitin ang door knob.
Bago ko pa tuluyang mapihit ito ay biglang bumukas ang pinto. Nagkatitigan kaming dalawa. Pakiramdam ko tumigil ang mundo. Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong gawin.
Nakasimangot pa rin ang kanyang mukha. Hindi niya binasa ang sulat! Damn!
Inabot niya sa akin ang punit-punit na sobre. Natigilan ako. Hindi na niya binasa, pinunit niya pa!
Namumuo na ang luha sa gilid ng aking mga mata. Naglahong parang bula ang plano kong best love proposal ever!
Walang kibong tumalikod si Dave pabalik sa kanyang upuan.
Nilakasan ko ang aking loob. Walang mangyayari kung tatayo lang ako rito at walang gagawin. It's now or never!
Pumasok ako sa loob at isinara ang pinto ng opisina. Pinidot ko ang lock para siguraduhing walang magbubukas at walang mang-iistorbo.
Hinabol ko si Dave at hinawakan ang kanyang braso para hindi siya tuluyang makabalik sa kanyang upuan.
"Wait! You should have read it!" Pagalit kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!