Nina
Napalunok ako. Huminga ako ng malalim. Kalma lang Nina, kalma.
Pasimple akong tumalikod sa kanila at marahang naglakad palayo. Buti na lang nakataklob ang hood sa aking ulo.
Isang hakbang, dalawa, tatlo, apat, lima.
"Miss!" Tawag sa akin ng isang lalaki.
Napangiwi ako ng sobra-sobra. Hindi ko siya nilingon. Patuloy akong naglakad ng mabagal.
"Miss!" Tawag na naman niya.
Shit! Napalunok ako. Tatakbo na ba ako?
Naramdaman kong kinalabit niya ako sa aking balikat.
"Miss, nahulog." Sabi niya sabay pakita ng hawak niyang panyo.
Napabuntong-hininga ako. Kinuha ko ang panyong hawak-hawak niya na nahulog ko siguro nang hugutin ko ang aking kamay sa bulsa ng hoodie.
Sinigurado kong nakayuko ako at hindi niya makikita ang aking mukha nang abutin ko ang panyo.
"Thank you." Mahina kong usal.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hindi naman na nila ako pinansin pero nasa likuran ko pa rin sila na naglalakad sa kaparehong direksyon kung saan ako papunta. Kapag minamalas ka nga naman talaga!
Humugot akong muli ng malalim na hininga. Kanina pa dumadagundong sa kaba ang aking dibdib. Laking pasasalamat ko nang makita ko ang kotse ni Reyden. Agad akong tumawid at sumenyas sa kanya. Itinigil niya ang kotse at sumakay ako sa back seat kung saan nakasakay si Ate Bel.
Nakita kong kasama rin nila si Ethan na nakasakay sa harapan.
Pagkasarang pagkasara ko ng pinto ay agad akong yumuko. Alam kong tinted ang mga salamin ng kotse pero natatakot pa rin akong makita nila ako.
"Anong problema mo?" Takang tanong ni Ate Bel na nagtataray pa rin.
Hindi ako sumagot.
Nang tuluyan kaming makaalis sa Kalye 99 ay saka ako tumuwid ng pagkakaupo sabay buntong-hininga.
Buti na lang talaga hindi nila ako nakita.
"So, hindi ka talaga magsasalita?" Seryosong tanong ni Ate Bel.
"Ate Bel naman, huwag ka namang magalit, time out muna." Pakiusap ko sa kanya. Pakiramdam ko nanghina ako dahil sa sobrang kaba.
"Sinong hindi magagalit! Kahit kailan ang tigas ng ulo mo! Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na huwag kang lalakad mag-isa." Kunsumido niyang sermon.
"Ate Bel naman, hindi ko naman kayo pwedeng istorbohin parati para lang samahan ako. Problema ko ito Ate Bel, ayokong madamay na naman kayo." Mahinahon kong sagot sa kanya.
"Eh di sana hindi ka na lang bumalik at humingi ng tulong sa amin kung ganyan ka rin lang mag-isip!" Inis niyang sabi sabay snab sa akin. Tumingin siya sa labas ng bintana at hindi na ako muling kinibo.
Tinikom ko na lamang ang aking bibig. Mahirap magsalita kapag ganitong galit siya.
Pumarada si Reyden sa tapat ng isang kainan. Padabog na lumabas si Ate Bel na sinundan kaagad ni Ethan. Bumaba na rin ako.
Nakatingin lang sa akin si Reyden na animo'y naghihintay na magsalita ako.
Tipid ko siyang nginitian at sabay na kaming pumasok sa fast food.
Nadatnan naming nakaupo na si Ethan sa isang table. Kinawayan niya kami.
"Si Ate Bel?" Tanong ko sabay hila sa silya.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!