Reyden
Nakatulala akong nakaupo habang hinihintay na matapos ang operation ni Papa. I feel so helpless. Wala akong magawa kundi ang maghintay. Sobrang pag-aalala at takot ang aking nararamdaman. Paano kung hindi kayanin ni Papa? Ni minsan hindi ko ginustong may mangyaring masama sa kanya.
Marami pa akong katanungan na hindi nasasagot. Kailangan ko ng mga sagot mula sa kanya. Totoo bang hindi ko siya ama? Totoo bang si Tito ang tunay kong tatay? Hindi pwedeng mangyari iyon, ayoko!
Napalingon ako nang makita kong pabalik na sila Erica at Ethan na kasama si Ate Bel. Napansin kong nag-iba ang expression sa mukha ni Erica. Blangko ang kanyang mukha na parang may malalim siyang iniisip habang paupo sa kabilang dulo ng upuan.
"What happened?" Taka kong tanong kay Ethan.
Pilit siyang ngumiti.
"We just witnessed an accident. The girl died, nabangga siya ng bus." Malungkot niyang kwento.
Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Ano bang pwede kong sabihin? Wala talagang pumapasok sa isip ko.
Muling tumayo si Erica at Ate Bel para magbihis. Iniabot sa akin ni Ate Bel ang paper bag na may lamang damit. Nilapag ko lang ito sa upuan.
Tinapik ni Ethan ng ilang beses ang aking likod. "Bro, I really don't know what to say, but always keep in mind that we're here for you." Marahan niyang sabi.
Bahagya akong ngumiti. "I already know that. Kahit sabihin kong gusto kong mapag-isa, hindi pa rin kayo aalis." Sabi kong may halong biro.
Natawa si Ethan. "Ganiyan katigas ang ulo namin. You're really lucky you have us." Ganti niyang biro.
Tumawa ako kahit pilit. "I guess we are just lucky to have each other."
Bumalik sila Ate Bel at Erica. Nakabihis na si Erica na nakasuot ng hoodie at pantalon. Malungkot pa rin ang kanyang itsura. What can I do fot her in exchange for what she did for me? Napapikit ako; wala talagang pumapasok sa isip ko. Paano ko siya tutulungan kung mismong sarili ko ay hindi ko matulungan?
Napatayo ako nang may lumabas na nurse galing sa operating room. Hindi niya kami pinansin bagkus ay nagmamadali siyang tumakbo papunta sa kaliwang bahagi ng opistal.
Napalunok ako. Dumungaw ako sa loob ng OR, bakit parang nagpapanic sila?
Maya-maya ay bumalik na ang lumabas na nurse na may dala-dalang blood bag.
"What's going on?" Pag-aalala kong tanong.
Hindi niya ako sinagot at mabilis na pumasok sa loob. Kinakabahan na talaga ako. Pinakalma ako nila Ethan at Ate Bel at muling pinaupo sa upuan.
Nalipat ang aming atensyon nang magring ang cellphone ni Erica. Agad niya itong kinuha.
"Excuse me, si Sir Art." Sabi niya sabay tayo at lakad palayo sa amin.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang banggitin niya ang pangalan ni Tito. Magagalit ba ako? Ano bang dapat kong maramdaman? All these years na magkasama kami ni Tito ay siya ang itinuring kong pangalawang ama. Kaya pala lahat ng pwede niyang ibigay ay ibinibigay niya sa akin.
Paano ko kasusuklaman ang isang taong tumulong sa akin simula pagkabata at nagparamdam sa akin ng pagmamahal na higit pa sa ipinapakita ni Papa.
Nakakainis lang isipin na ginawa niya ang lahat ng iyon dahil matagal na niyang alam na anak niya ako. Damn, bakit ngayon lang?!
Muli akong tumayo at dumungaw sa loob ng OR. Napapikit ako. Please god, let him live!
"Saglit lang, may pupuntahan lang ako." Narinig kong paalam ni Ate Bel na hindi ko na nagawang sagutin.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!