I would like to dedicate this chapter to Lonely_cupid69! Thank you for the support!
-------------------------------------------------
Nina
Halos tanghaling tapat na nang magising ako sa malambot at mabangong kama. Bumangon ako at dumiretso sa banyo para maligo. Napangiwi ako nang makita ang mga sariwang pasa sa aking katawan dahil sa tama ng bala.
Ano na ang gagawin ko ngayon? Saan ko hahanapin ang isa pang usb?
Lumabas ako ng banyo at isinuot muna ang isang puting t-shirt na pinahiram ni Reyden habang hinihintay kong matuyo ang aking mga damit sa dryer. Pagkalabas ko ng kwarto ay nabungaran ko siyang nanonood ng TV.
Napalingon siya sa akin. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla akong na-conscious. Sinipat ko ang aking kabuuan. Hanggang hita ang haba nang maluwag na puting t-shirt. Hindi ito see through pero naaaninag ang suot kong underwear.
Nakalabas ang mapuputi kong mga hita at lumalabas ang magandang hubog ng aking leeg pababa sa balikat dahil parang naging off shoulder ang t-shirt.
Napalunok ako nang makita kong nakatingin pa rin siya ng kakaiba sa akin.
"Sorry!" Nahihiya kong usal sabay pasok muli sa kwarto.
Alam kong gentleman si Reyden pero kahit anong sabihin, lalaki pa rin naman siya. Hinintay ko na lang na matuyo ang aking damit tsaka ako nagpalit at muling lumabas.
Nasa kitchen na siya nang lumabas ako.
"Kain na!" Nakangiti niyang yaya.
Sumang-ayon ako at umupo sa dining area.
Magkaharap kaming kumakain nang bigla siyang magtanong. "Ano na ang plano mo ngayon?"
Napaisip ako. "I need to find the other usb." Sagot ko.
"Hindi kaya nasa columbarium din yun isa." Komento niya.
Napatingin ako sa kanya. Bakit ba hindi ko naisip 'yon?
"Pwede." Sabi ko sabay silay nang excited kong ngiti. "I need to go back there!"
"I'll go with you." Sabi niya.
"No, baka may kung anong mangyari na naman." Pigil ko.
"All the more that I need to go with you. Mas mabuti nang magkasama tayo para kahit papano mabantayan kita. Isa pa walang nakakaalam na magkakilala tayo. I'm safe." Giit niya.
Matagal akong hindi kumibo.
"Okay, ang alam ni Pandak at ni Long hair, patay na ako. Ang alam ni Gani, nawawala ako. Walang pwedeng makaalam na buhay ako at kung nasaan ako." Sabi ko.
"Ganito na lang, ako na lang ang babalik sa columbarium. Let's just talk over the phone." Suggestion niya.
"Okay, that's a better idea." Sang-ayon ko. Mas mabuti ang ganon kaysa may makakita sa aming magkasama.
Ipinahiram muna sa akin ni Reyden ang isang sim card niya dahil hindi ko pwedeng gamitin ang sarili kong number.
Umalis siyang mag-isa.
----------------------------------------
Reyden
"Don't open up the door to anyone else aside from Ate Bel and me." Bilin ko kay Erica bago ako lumabas ng condo unit.
Hanggang ngayon ay Erica pa rin ang tawag namin sa kanya kahit na ang tunay niyang pangalan ay Mikaela.
Mabilis kong binagtas ang daan patungo sa columbarium kung saan nakalagak ang urn ng kanyang ina. Pagkapark na pagkapark ko ay isinuot ko ang earphone sa aking tenga at tinawagan si Erica.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!