CHAPTER 53: PIECE BY PIECE

1.4K 123 19
                                    


Hindi lang sila Montalban ang gumagalaw sa kaso. Maraming ibang mga police precint ang isa-isang gumawa ng raid sa nakalistang mga drug dens. Ang impormasyon patungkol sa lokasyon ng mga ito ay nanggaling daw sa tip ng isang concerned citizen.

Nakarating sa Malacañang ang isang kopya ng usb na naging malaking usap-usapan. Sunod na nakarating ang usb sa media na talaga namang pinagpiyestahan ng mga TV stations.

Mahigit isang buwan ang lumipas at halos macross-out ko na ang listahan ng mga naglalakihang drug den sa NCR na na-raid ng mga pulis. Naisama na rin ang pangalan ni Salazar sa most wanted criminal ng pulisya sa buong bansa. Hindi makaporma si General at ang iba pang matataas na opisyal na protektor ni Salazar dahil kasama rin sila sa mga iniimbestigahan.

Isang araw ay ibinalita ni Gani na napatay si Long Hair sa isang shoot-out sa Mandaluyong.

Napabuntong-hininga ako. Malapit na.

Nagluluto ako ng ulam nang bumukas ang pinto at pumasok sila Reyden at Ate Bel.

Masaya nila akong binati.

"Erica, I got some chocolate cake for you!" Bungad ni Reyden sabay baba ng kahon ng cake sa mesa.

Sumilay ang malapad na ngiti sa aking labi.

"Naks naman, hindi niyo talaga ako nakakalimutan." Biro ko.

"Actually tira lang namin 'yan sa office." Biro ni Ate Bel.

Napalabi ako sabay tawa.

Pagkatapos nilang magbihis ay magkakaharap na kaming umupo sa hapag para mag-dinner.

"Hmmm, this tastes good." Puna ni Reyden pagkatapos isubo ang kapirasong beef stake na niluto ko.

Napangiti ako. "Talaga, pasado na ba?" Tanong ko. Alam kong mas magaling magluto si Reyden kaysa sa akin.

Tumango siya.

"Pwede ka ng mag-asawa." Birong sabat ni Ate Bel.

"Kelan ka ba kasi susunduin ng asawa mo?" Birong tanong ni Reyden.

"Ayaw niyo na bang nandito ako." Kunwaring nagtatampo kong sagot.

Natawa si Reyden. "I'm actually happy you are both here right now. May tagaluto, tagalinis, minsan tagalaba, at taga-gising sa akin."

"So, katulong pala ang hanap mo!" Biro ni Ate Bel.

Sabay-sabay kaming nagtawanan.

Masaya kaming nagbibiruan nang marinig kong may tumatawag sa aking cellphone.

Nag-excuse ako at agad itong kinuha sa kwarto. Nakita kong tumatawag si Gani.

Bumalik ako sa hapag at ni-loud speaker ang phone katulad nang parati kong ginagawa tuwing tumatawag siya.

"Hi." Bati ko.

"Kumusta? May maganda akong balita sa inyo." Bungad niya.

Tinanong ko kung ano.

"Nahuli na namin si Salazar." Sagot niya.

Napatigil ako sa aking pagsubo. Nahuli na nila si Salazar! Totoo ba ito?

"Nasaan siya?" Tanong ko.

"Nasa isang hide-out nila Montalban." Sagot niya.

"Anong gagawin niyo sa kanya?" Curious kong tanong.

"Ang alam ko hindi siya bubuhayin ni Montalban." Seryoso niyang sagot.

Napalunok ako.

"Mia, malapit na. Malapit na kitang sunduin diyan." Huli niyang sabi bago siya nagpaalam.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon