"Kilala ko kung sino ka, ano kayang mangyayari kapag lumabas lahat ng baho mo sa media?" Pagbabanta ni Mia sa kausap niya sa telepono.
Tumawa si Mia pagkatapos pakinggan ang nasa kabilang linya. "Ihanda mo na ang sarili mo! Bukas babagsak ka kasama ng lahat ng mga demonyong kakampi mo!" Mariin niyang sabi sabay patay sa telepono.
Kinalas niya ang mumurahing cellphone. Tinanggal niya ang sim at ang baterya sabay tapon sa basurahan. Naglakad siya palayo.
Sinundan ko siya. Nasaan kami?
Naglabas siya ng isa pang de keypad na cellphone. May tinatawagan siyang muli.
"May ipapatira ako, si Salazar! Magkano?" Tanong niya.
Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa ni Mia? Sino ba siyang talaga? Paano niyang nagagawa ang lahat ng ito?
"Deal. dalawampung milyon. Babayaran kita kapag napatay mo siya." Huli niyang sabi sabay baba ng telepono.
Patuloy siyang naglakad. Pumasok siya sa isang eskinita at lumoob sa isang bahay.
"Mia!" Agad na lumapit si Gani na mukhang kanina pa naghihintay sa pagdating ni Mia.
Tiningnan ko ang paligid, nasa loob kami ng isang maliit at lumang bahay na may dalawang kwarto. Inilabas ni Mia ang isang itim na usb mula sa kanyang bulsa.
"Gani, bahala ka na." Bilin niya sabay abot ng usb.
Tumango si Gani. "Magtago ka muna. Hindi ka nila pwedeng makita, naintindihan mo? Ako na ang bahala rito."
Bahagyang sumang-ayon si Mia.
Ano ang laman ng usb?
--------------------------------------------------------------
After 10 days.
Oras na. Oras na para sa usapan namin ni Kalbo.
"Nina, mag-ingat ka!" Bilin ni Ate Bel. Alam kong nag-aalala siya kahit hindi niya ipakita.
Huminga ako ng malalim. Nag-aalala rin ako para sa aking sarili pero hindi na ako pwedeng umatras ngayon.
"Ate Bel, kung sakasakaling hindi na ako makabalik, please huwag kang iiyak." Paalam ko sa kanya.
Nakita kong namuo ang luha sa kanyang mga mata. "Huwag kang magsalita ng ganyan. Tandaan mo nakikita kita, hindi ko hahayaang umalis ka ng basta basta. Kung kailangan kong hilain ang kaluluwa mo pabalik, gagawin ko." Sagot niya.
Napalunok ako. Kinuyom ko ang nanginginig kong mga kamao. Kailangan ko nang umalis.
Alas otso ng gabi.
Bumaba ako sa tapat ng isang gusali. Mabagal akong naglakad. Hindi ko isinuot ang hood ng hoodie sa aking ulo at hinayaan ko lang na nakalabas ang aking mukha.
Nakita kong palabas ng gusali si Valdez.
Sinandya kong dumaan sa kanyang harapan.
Kitang kita kong napamulagat siya nang makita ako.
"Si Mia!" Sigaw niya para makuha ang atensyon ng isang grupo ng kalalakihan.
Patakbo akong tumawid at sumakay sa nakapark na taxi. Wala nang nagawa ang mga lalaki nang mabilis na humarurot palayo ang taxi na sinasakyan ko.
Walang nagawa si Valdez kundi ang magmadaling sumakay sa nakaabang niyang sasakyan. Mabilis na pinaandar ng driver niya ang kaniyang kotse para habulin ako.
"Confirmed, hinahabol na kami ni Valdez, over!" Sabi ng driver ng taxi sa kanyang radyo.
Napatingin ako sa likuran. Nakabuntot pa rin ang kotse ni Valdez katulad ng plano.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!