CHAPTER 44: FIGHT

1.4K 112 22
                                    


Reyden

Nanatili ako sa apartment nila Ate Bel para masiguro kong ligtas sila. Nakatulog si Erica kagabi na umiiyak pa rin. Hindi ko muna siya nilapitan dahil mukhang hindi siya komportable sa presensya ko.

Umaga na at nakaalis na si Ate Bel papuntang opisina. Inihabilin niya si Erica sa akin. Mabuti na lang at wala pa akong ibang pagkakaabalahan ngayong araw na ito.

Gusto kong ireport sa pulis ang nangyari kahapon pero pinigilan ako ni Ate Bel. Sinabi niyang delikado para kay Erica ang gagawin ko dahil hindi nila alam kung sino ang kaaway sa hindi.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Ilang beses kong tinanong si Ate Bel pero sinabi niyang si Erica na lang ang tanungin ko.

Mugtong-mugto ang mga mata ni Erica nang lumabas siya sa kwarto at dumiretso sa banyo. Paglabas niya ay agad ko siyang niyayang kumain.

Hindi niya ako pinansin at aktong babalik na naman sa kwarto nang pigilan ko siya.

"Erica, let's eat." Yaya kong muli sa kanya.

Walang kabuhay buhay siyang umiling.

"Please." Pakiusap ko.

Hindi ko siya binitawan. Ginabayan ko siya papunta sa mesa at pinaupo. Umupo naman siya.

Inihain ko sa kanyang harapan ang sopas na niluto ko.

Nahulog ang kutsara nang hawakan niya ito. Agad akong lumapit at pinulot ang kutsara. Inabutan ko siya ng bago. Napansin kong nanginginig ang mga kamay niya.

Huminga ako ng malalim. Tinabihan ko siya at ako na ang kumutsara ng pagkain para sa kanya.

Inilapit ko ito sa kanyang bibig. Matagal bago niya ito isinubo. Napangiti ako nang kahit papano ay nakailang subo naman siya bago siya tumayo at bumalik sa kwarto.

Nang silipin ko siya sa loob ay nakaupo siya sa kama habang nakasandal sa dingding. Yakap yakap niya ang kanyang mga tuhod habang nakayuko.

Napabuntong hininga ako. Anong pwede kong gawin para sa kanya?

Lumapit ako at umupo sa kama.

"Erica, do you want to go somewhere? Ipapasyal kita kahit saan mo gusto." Nag-aalinlangan pero lakas loob kong alok sa kanya.

Tumingala siya at tinitigan ako gamit ang nanlalalim niyang mga mata.

"Bakit ka pa bumalik? Bakit nandito ka?" Halos pabulong niyang tanong.

Napalunok ako. Ano bang isasagot ko?

"I'm actua—" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Umalis ka na. Iwan mo kong mag-isa bago ka pa madamay." Mariin niyang utos.

Kinuyom ko ang aking kamao.

"Don't ever ask me to leave you alone because I cannot do that." Sagot ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Why?" Tanong niya.

"Because I won't ever leave a friend behind. Kahit ipagtabuyan mo ako hindi kita iiwan. Alam kong alam mo na matigas ang ulo ko katulad mo." Seryoso kong sagot sa kanya.

Hindi siya nakaimik. Tumulo na naman ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Reyden, I'm really scared. Scared to death." Bulong niya sa gitna ng paghikbi.

Tinikom ko ang aking bibig. Nasasaktan akong nakikita siyang ganito. Sanay akong nakikita siyang parating ngumingiti at matapang na lumalaban.

Tumabi ako sa kanya. Inihilig ko ang kanyang ulo sa aking balikat. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak hanggang sa makatulog siya. Inihiga ko siya ng maayos sa kama at saka kinumutan bago ako lumabas ng kwarto.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon