Nina
Nanginginig ang kamay ko habang tinutulungan si Ate Bel na gamutin ang mga sugat ni Dad. Ngayon ko lang siya nakita sa ganitong kalagayan. Awang-awa ako sa kanya sa dami ng pasa sa kanyang mukha at galos sa kanyang mga braso.
Hindi na ako magtataka sa nasabi niya kanina. Matagal na akong may kutob na anak ni Dad si Reyden at ngayon ko napatunayang tama ang lahat ng aking iniisip.
Napatigil kami nang pahangos at sumisigaw na pumasok si Reyden.
"Ate Bel! Ate Bel!" Nagpapanic niyang sigaw.
Agad na binitawan ni Ate Bel ang kanyang hawak.
"Please! Help!" Desperadong pakiusap ni Reyden.
Napatakbo kaming lahat na sumunod sa kanya.
Nadatnan naming nakabulagta sa sahig si Tito na waring hindi humihinga. Mabilis na kumilos si Ate Bel at sinipat ang kanyang pulso.
"Tumawag ka ng ambulansiya, Erica!" Sigaw ni Ate Bel.
Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at agad na nag-emergency call. Nanginginig ang boses ko habang humihingi ng tulong.
----------------------------------
Nasa emergency area kami ng ospital habang nasa loob naman ng operating room si Tito Karding. May pumutok daw na ugat sa kanyang ulo na kailangang operahan agad kung hindi ay mas lalong wala siyang pag-asang mabuhay.
Pabalik balik na naglalakad si Reyden sa tapat ng operating room. Hindi mawari ang kanyang itsura. Namumugto ang kanyang mga mata at namamaga ang kanyang labi. Gusot-gusot ang kanyang buhok at ang suot niyang polo na puro bahid ng pinaghalong dugo nila ni Tito Karding.
Kaming dalawa lang ang magkasama sa ospital dahil bumalik muna ng mansyon si Ate Bel. Nagpaiwan naman si Dad na halatang hindi rin makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari.
Kung ako ang nasa kalagayan ni Reyden, malamang ay hindi ko rin mawari kung ano ang dapat kong gawin.
Pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata habang nakasandal akong nakatayo sa pader na katapat ng operating room. Nasasaktan ako para sa kanya.
Napadako ang tingin sa akin ni Reyden. Marahan siyang lumapit.
"Hey." Nanginginig niyang sabi.
Napatitig lang ako sa kanya.
"Why are you crying?" Tanong niya na halatang naghahanap lang ng pwedeng sabihin.
"Because I can feel your pain." Halos pabulong kong sagot.
Nakita kong napalunok siya sabay yuko. Hindi siya umimik. Dahan dahan siyang tumungo sa upuan na nasa bandang gilid ko. Umupo siya sabay hawak sa kanyang ulo gamit ang dalawa niyang kamay. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa kanyang mga palad.
Tumungo ako sa kanyang harapan at kinuha ang kanyang kamay.
"Reyds, just this once, maybe you need a hug." Lumuluha kong bulong sa kanya.
Ipinulupot ko ang kanyang mga kamay sa aking baywang at dahan dahang inilapit ang kanyang ulo sa aking dibdib.
Hindi siya kumibo. Naramdaman ko ang nanginginig niyang mga braso na unti-unting humihigpit ang pagkakayakap sa akin. Ipinulupot ko ang aking kamay sa kanyang balikat habang hinahagod ang kanyang buhok.
Paimpit siyang umiyak. Naramdaman kong unti-unting nababasa ng luha ang suot kong blouse. Matagal kaming magkayap hanggang sa unti-unti na siyang bumitaw at mabilis na nagpahid ng luha sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!