CHAPTER 61: FEELINGS

1.4K 103 19
                                    


Pagkatumbang pagkatumba ng binatilyo ay humalo ang dugong galing sa sugat sa kanyang ulo sa wine na nagkalat sa sahig.

Gulat na gulat na napaatras at napasandal sa pader si Alicia. Nakanganga siyang nanginginig. Putlang-putla siya na waring tumigil ang pagdaloy ng dugo sa kanyang mukha.

Humihingal akong humakbang paatras sa lalaki. Napasigaw si Alicia sabay turo sa aking likuran.

Paglingon ko ay nakita ko ang isa pang binatilyo na pasugod sa akin hawak hawak ang isang maliit na patalim.

Sinugod niya ako pero agad akong nakaiwas. Halos dalawang metro lang ang layo namin sa isa't-isa. Nakataas pa rin ang kamay niyang may hawak na patalim. Napansin ko ang panginginig ng kanyang mga kamay.

Hindi sanay magnakaw ang mga ito. Maraming beses na akong nakakita ng mga lalaking mas halang ang mga bituka kaysa sa kanila.

"Come on! Bring it on!" Hamon ko sa binatilyo sabay ngisi.

Halata sa mukha niya ang panic at pangamba. Paano siya mananalo kung ganyan siya kaduwag.

Nangingimi niyang inihakbang ang kanyang mga paa palapit sa akin. Titig na titig siya sa aking mukha na nakalimutan niyang maging alisto sa kanyang paligid. Bago pa siya makaporma ay may dumakma na sa kanyang leeg mula sa likuran sabay hawak sa kamay niyang may patalim.

Isa pang empleyadong lalaki ang tumulong at binigwasan ng isang malakas na suntok ang binatilyo sa sikmura.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong napaluhod na ang binatilyo at hawak na siya ng mga empleyadong lalaki.

"Alicia, call the cops!" Utos ni Boss Dave na nasaksihan ang buong pangyayari.

Napatingin ako sa suot kong puting t-shirt na natalsikan ng wine; magmamantsa ito, tssk.

"What the hell were you thinking!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang bulyaw ni Boss Dave na nasa harapan ko na pala.

Pakiramdam ko lumundag sa takot ang puso ko dahil sa sigaw niya. Napamulagat akong napatitig sa kanyang galit na galit na mga mata. Mas malala pa ang kabang nararamdaman ko ngayon kumpara kaninang may nakatutuok na patalim sa akin.

Hindi ako nakakibo nang mahigpit niyang hawakan ang siko ko sabay hila sa akin papasok sa loob diretso sa kanyang opisina.

Binitiwan niya ako sabay padabog na isinara ang pinto. Kinakabahan ako sa kanya.

"What the hell were you thinking?" Nanggagalaiti niyang ulit sa kanyang tanong.

Napalunok ako. Hindi ako makapagsalita. Nilalamon ako ng mga titig niya at ng ipinapakita niyang awtoridad. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit.

"Speak!" Singhal niya.

"I, I, I'm just trying to help!" Nagpapanic at nabubulol kong sagot.

"Help? You're trying to help by putting your self in danger! God damn it, Jane!" Bulyaw niyang muli.

"Hey, I'm okay! Nothing happened to me!" Depensa ko.

Napangisi siya. "What if something happened to you?" Balik niyang tanong.

"But nothing happened! Don't overreact!" Medyo mataas ang boses na sagot ko.

Nakita kong lalo siyang nainis sa sinagot ko. Ano bang problema niya?

Humakbang siya palapit sa akin. Nanginginig ang mga paa kong humakbang paatras hanggang sa dumikit ang aking likod sa pader. Idinantay niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang gilid ko. Lapat na lapat sa pader ang kanyang mga palad para siguraduhing wala akong ibang pupuntahan.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon