Reyden
Tulad ng sinabi ko kay Erica, niyaya ko ang mga kamag-anak namin para magdinner nang sa gayon ay mabigyan ng oras na makadalaw ang aking ina.
Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang nanay ko, ang taong nang-iwan sa amin ni Papa at naglahong parang bula for almost 26 years. Ayoko sanang bumalik pa siya sa burol pero sa tuwing iisipin ko ang mga sinabi ni Erica ay nakokonsensiya ako.
Bakit ba kasi ang lakas ng impluwensiya ni Erica sa akin?
Binunot ko sa aking bulsa ang panyong ibinigay niya kanina. Pinagmasdan kong muli ang pangalan ng aking ina. Sinundan ko ang nakaburdang mga letra gamit ang aking daliri. Maria Gracia.
Ang tagal kong hindi binanggit ang pangalan niya. Ang tagal kong hinintay na bumalik siya, at ngayong nandito na siya, bakit hindi ko magawang lapitan at kausapin siya? Kaya pala iba ang pakiramdam ko noong una kaming nagkita.
Gusto kong tanungin kung ano ba talaga ang nangyari pero natatakot akong baka biglang mawala ang lahat ng galit at hinanakit ko sa kanya kapag nag-usap kami at manaig ang kagustuhan kong makasama at mayakap siya.
Kinuyom ko sa aking kamao ang panyo sabay suksok ulit nito sa aking bulsa.
Dumaan ang oras at araw. Natapos ang burol. Dumating si Tito sa libing. Hindi ko pa rin siya magawang matawag na Dad. Nilapitan niya ako pero iniwasan ko siyang muli.
Naglalaro pa rin sa aking isipan kung paanong naging anak niya ako.
Hindi pa ako handang makipag-usap sa kanya.
Isa-isang nagpaalam ang mga kamag-anak namin na nanggaling pang Ilocos at sa ibang parte ng bansa. Ang alam nilang lahat ay nastroke si Papa. Wala akong pinagsabihan na kahit na sino sa kanila kung ano talaga ang tunay na nangyari.
Ayokong magkagulo na naman.
Nang magsi-uwian na silang lahat ay tanging si Erica, Ate Bel, at Ethan ang naiwang kasama ko. Bahagya akong napangiti nang mapagmasdan ko silang nag-uusap-usap sa di kalayuan. Napakaswerte ko sa kanilang tatlo. Tatanawin kong malaking utang na loob ang pagdamay nila sa akin sa mga oras na kailangang kailangan ko.
Ngayong tapos na ang libing ni papa, oras na para pagtuunan ko ng pansin ang sarili kong buhay.
Kinabukasan ay nagpass ako ng resignation letter sa main office. Nagulat silang lahat sa aking desisyon at pinigilan akong magresign pero buo na ang pasya kong umalis sa kumpanya.
Pag-uwi ko sa quarters ay nag-empake ako ng mga gamit at isa-isang inilagay ang mga bags sa trunk ng kotse.
Pagabi na nang matapos ako. Saktong dumating sila Ate Bel at Erica nang papasok na ako sa kotse. Hinila ako ni Ate Bel papunta sa tapat ng quarters. Hindi na ako pumalag at sumama na lang sa kanila.
"Nagresign ka raw?" Gulat na tanong ni Ate Bel.
Napayuko ako sabay tango.
"Bakit?" Nagugulumihanang tanong ni Erica.
"Personal matters." Maikli kong sagot.
"Personal matters ka riyan! Batukan ka kaya namin." Seryosong sabi ni Ate Bel.
Napabuntong-hininga ako.
"I just need some space and time to think." Patuloy ko.
"Do you really need to resign? Pwede ka namang magleave." Sabi ni Erica.
Bahagya ko silang nginitian. "I just need to do this. Don't worry I'll be back in no time." Sabi ko sa kanila.
"May pupuntahan ka ba?" Tanong ni Erica.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!