Reyden
Hindi pa rin ako makapaniwalang nagpalit ng persona si Celine. She's back to the way she talks and acts before. Worst thing is hindi niya naaalala lahat ng pinagsamahan namin in the past. Kahit si Ate Bel at Ethan hindi niya maalala.
Maging si Tito ay nagulat nang malaman niyang bumalik na ang tunay na Celine.
I filed a leave sa opisina para makasama ako sa pagpunta nila kay Doc Nancy. Celine underwent the same hypnotic procedure.
Ipinagdarasal kong kahit sandali ay bumalik sana si Nina. I badly wanted to talk to her. Nagsisisi ako for all those times I wasted and hesitated na sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. I hope it's not yet too late.
I really hope lumabas siyang muli.
The therapy ended. Nakangiting lumabas si Doc Nancy.
"The therapy went well. Nothing unusual happened." Masayang sabi ni Doc.
"You mean, walang ibang persona inside Celine's mind right now?" Paglilinaw ni Tito.
Tumango si Doc. "I'm really surprised sa recovery ni Celine. Most MPD cases last for a very long time, minsan pa nga lifetime. But for Celine's case, it is really amazing na walang lumabas na any persona kanina. She also seems to be so calm and relaxed." Tuloy tuloy na paliwanag ni Doc.
"Ibig pong sabihin magaling na siya?" Tanong ko.
"For now, I can say yes. Let's check on her again next month. Let's see kung may lalabas ulit na persona. If you observe a shift on her personality just like before, call me asap." Payo ni Doc.
Natapos ang consultation. Sinabi ni Doc na normal lang sa mga may MPD na hindi maalala ang lahat ng bagay na naranasan ng ibang persona.
May probability pa rin naman daw na maalala ni Celine ang mga nangyari sa buhay niya these past years pero mababa ang percentage.
Ibig sabihin pwede pang maalala ni Celine ang lahat. May pag-asang maalala niya kahit mababa ang possibility.
I won't give up on her. Si Celine man siya o si Nina, iisa lang naman sila. All I need to do is make her remember; make her remember that she loves me.
Hapon na nang makarating kami sa mansyon. Pinagbuksan ko ng pinto ng kotse si Celine. Aalalayan ko sana siya pero iniwas niya ang kanyang siko sa kamay ko at tuloy tuloy siyang pumasok sa loob ng mansyon.
Ang bigat sa pakiramdam na parang umiiwas siya sa akin. Hindi ko kakayanin kapag nagpatuloy ang ganito. Pakiramdam ko nadudurog ang puso ko sa tuwing makikita kong parang wala siyang pakialam sa akin.
Ano bang dapat kong gawin?
Sumalampak ako sa sofa. Pumikit ako sabay hilot ng aking sintido.
Naramdaman kong may tumapik sa aking balikat. Nakita ko si Papa paglingon ko.
"Okay ka lang? Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Tanong niya. Napansin niya yatang problemado ako.
"Okay lang ako, Pa." Sagot ko kahit alam na alam kong hindi ako okay.
Umupo si Papa sa tabi ko.
"Sinabi ko na sa'yo noon, huwag mong hayaang mahulog ang loob mo kay Celine." Sabi niya. Sa tono ng kanyang boses ay parang pinagdidiinan niyang tama siya.
Napatiimbagang ako.
"Reyden, tanggapin mo na na hindi kayo para sa isa't isa. Anak siya ng amo natin. Kahit mabait si Arturo ay hindi niya hahayaang mapunta ang anak niya sa isang mahirap na katulad natin." Tuloy tuloy niyang sabi na parang kinukutsa ang estado ng aming buhay.
BINABASA MO ANG
I AM NINA: Saving Lives
Mystery / ThrillerBook 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can change my future. When I thought it's over, something unexpected happened. My mission is not yet over!!