10

5.1K 103 0
                                    

JEMA’S POV

Hinatid na ako ni Cy sa dorm. Lumabas muna ito sa sasakyan nya

“Idol, una na ako. See you again soon” sabi nito

Lumapit naman ako at binigyan ito ng yakap.

“Thank you” sabi ko. Aalisin ko na sana ang yakap ko pero pinigilan nya ako. Yakap yakap pa rin ako nito sa bewang.

“No, Thank you, Hindi mo alam kung paano mo ako napasaya”- sabi nito

Ang weird ng feeling ko. I mean, wala akong gusto sa kanya. Ang weird lang ng mga sinasabi nito.

“Cy, bakit ba ginyan ka? Ang wirdo mo talaga” nakayakap pa rin ito sa akin. Na hinayaan ko nalang muna. Sa dami ng magagandang ginawa nito sa akin, di ko alam kung paano susuklian yun.

“Na miss lang kita, sobra”- sabi nito at niluwangan ang pagkakayakap sa akin. Pero di pa rin nito tinatanggal ang kamay nya sa bewang ko.

“And please lang, pwede ba wag ka masyadong maglalapit kahit kanino, naagaw ka na nga sa akin ni Fhen e” – sabi nito.

Pinisil ko naman ang pisngi nito.
“Cy, dito lang ako palagi bilang best friend mo” sabi ko sakanya.
Lumayo naman ito saglit at tumalikod.

“Yeah. Best friend”- sabi nito.

“Una na ako. Baka ma curfew ka pa” sabi nito at kumaway muna bago pumasok ng sasakyan nya.

“BYE BYE! SA UULITIN! PANGET!” Sabi ko bago nito patakbuhin ang sasakyan. Ngumiti nalang ito at bumisina. 

Hinintay ko muna itong makalayo bago ako pumasok ng dorm.

Papasok na sana ako pero biglang may nagsalita sa gilid ng gate.

“Masaya ka ba sa ginagawa mo”- boses palang alam ko na kung sino.

“Fhen, akala ko tulog ka na” Medyo madilim na kaya di ko gaanong nakikita ang mukha nito

“MASAYA KA BA?!”- sigaw nito sa akin.

“Ano bang sinasabi mo?”- sagot ko

“Nakita ko kung paano kayo magtinginan ng Cy na yun!”- sigaw nya sa akin. Lumapit naman ako rito at hinawakan ang braso nya.

“Fhen, wag kang mag isip ng kung ano”- bigla nyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso nya

“Ginyan ka ba talaga?! Kung manlalandi ka ng iba, pwede ba patago naman”- Nasaktan ako sa sinabi nito

“Mahal kita Fhen, pero wag mo naman akong pagsalitaan ng ginyan!”- mangiyak ngiyak kong sabi sakanya.

“Kung mahal mo ko, iiwasan mo na yung Cy nay un!” sabi nito sa akin.

“Bestfriend ko sya Fhen” tuluyan ng tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

“Bahala ka nga! “ sabi nito. Tumalikod na ito at naglakad na papasok ng dorm.

“Fhen! Wait!” habol ko rito, pero nagtuloy tuloy naman itong pumasok sa dorm.

Napayuko nalang ako at napahagugol.

“Bes! Halika na muna sa loob, baka ma curfew tayo” – niyakap ako ni Chiarra at Ponce

“Chiarra, alalayan na muna natin, hay!” – sabi ni Ponce.Bigla akong nawalan ng lakas, kaya inakay naman ako ni Ponce at Chiarra sa paglakad.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto namin ay pinahiga na muna ako ng dalawa kong kaibigan.

Tuloy pa rin ang pag iyak ko. Nakakainis. Nasasaktan ako sa mga sinabi nya sa akin, sa pagtalikod nya sa akin.

“Kung ano man yan, sige lang iiyak mo lang, di mo kailangan mag kwento, pero tandaan mong andito lang kami sa tabi mo, bes”- sabi ni Chiarra.

Niyakap ko naman silang dalawa at umiyak.

“Salamat”- sabi ko nalang sa kanila.

“Uminom ka muna” sabi ni Ponce. Tumango naman ako at kinuhanan ako ng tubig ni Ponce.

“Amoy bbq ka bes, sabi mo pasasalubungan mo ako” irap ni Chiarra sa akin.

“Hindi naman natin kaibigan to Chiarra e, bakit ba natin tinutulungan” hirit ni Ponce.
Napangiti naman ako bigla

“Baliw”- sabi ko nalang

“Yan! Yan! Ngiti ka nalang, kung ano man yan bukas mo na isipin. Magpahinga ka na muna”- sabi ni Chiarra. Kahit sobrang baliw ng kaibigan ko sobrang mahal na mahal ko pa rin sila. Pinahiga na ulit nila ako.

“Bukas ka na magkwento, pahinga ka na muna” –sabi ni Ponce at kinumutan ako nito.

“Salamat sa inyo”- sabi ko at pumikit na muna.

Nakaidlip ako at tuluyan na akong nakatulog.

Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng Phone ko.

Di ko na tinignan pa kung sino ang tumatawag at sinagot nalang ito.

“Jema, pasensya na”- boses ni Cy yun.

“Bakit?”- sabi ko nalang kahit antok na antok pa ako. Namamaga pa itong mata ko sa kakaiyak.

“Wag ka nalang magbukas ng twitter at IG, baka sumabog phone mo”- sabi nito.

“Hay! Matulog muna ako Cy, patayin ko na muna”- sabi ko nalang.

“Ge. Miss you. Toot tooot toot”- gago talaga to, binabaan agad ako.

Gusto ko pa sana matulog , kaso iniisip ko pa rin ang sinasabi ni Cy.

Chineck ko ang phone ko, Grabe, 5:00 am palang.

Wala na akong nagawa kundi buksan ang phone ko.

Pumasok lahat ng notif. Tunog nang tunog ang phone ko. Sinilent ko muna at hinayaang pumasok lahat.

Nang sa tingin ko pumasok na lahat ng notif binuksan ko ang twitter ko.

Shit, bumungad agad ang picture namin ni Cy.

Pati sa mga confession ako ang laman.

May mga nagsasabi na …

‘May jowa na raw pala ako, sayang’

‘Sino ba talaga jowa nito, sabay-sabay ganun?’

‘kung jowa nya yung setter nila sana di sya nagsasama kung kanikanino’

‘Ang sweet nila tignan pero kawawa naman kung sino talaga TUNAY na jowa nya’

‘bagay kayo, kayo nalang please’

SHIT! DI AKO ARTISTA PARA PAGKAGULUHAN NYO NG GANITO
Bakit ba ang big deal sakanila ng ganito.
I mean please lang. Student Athlete ako.
Saglit akong pumikit.
Chineck ko ulit ang phone ko.
Dineactivate ko nalang ang twitter at IG ko.

TOXIC.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon