14

5.1K 115 4
                                    

DEANNA’S POV

Inakbayan na ako ni Ate Jia palabas ng kwarto ni Jema.
Ramdam ko pa rin ang init ng mukha ko.
Yakap lang naman yun uh.

“So….”- Sabi ni Ate Jia habang nakasunod kami sa mga kasama namin.
Huminto ako at tumingin sa kanya.

“What ate?”- sabi ko rito

“Ako dapat ang magtanong, what was that Deanna Wong?”- sabi nito sabay ngiti.

“That hug?”- tanong ko rito. Tumango naman ito agad.

“Nothing, ibinigay ko lang yung panyo nya at nag thank you sya sa pagsalo ko sa kanya, yun lang, maybe kung ikaw din ang nasa kalagayan nya at sinalo kita baka niyakap mo rin ako ng mahigpit, ate”- Paliwanag ko rito.

“Yep. Ano namang ibig sabihin nyang namumula mong pisngi?”- sabay kurot nito sa pisngi ko

“Ma-mainit, mainit ang panahon ate”- sabi ko rito.

“Hindi ba dahil yan kay---“- Hindi na natuloy ni Ate Jia ang sasabihin nito dahil bigla ko syang hinila.

“Let’s go ate! Wala na tayong kasama oh”- habang hila-hila ko ito.
Tumawa nalang ito at sumunod kami sa mga kasama namin.

JEMA’S POV
Nakatitig pa rin ako sa panyong inabot ni Deanna.

“Ate! Di mo man lang sinabi na nandito pala ang mga taga Ateneo! Hindi man lang ako nakapag papicture!”- sabi ni Mafe. Pero di ko sya pinansin.

“Nilalagnat ka pa rin ba bakit parang namumula ka jan?”- sabi ni Ate Jovi sabay hipo nito sa noo ko.

Nagising ako sa katinuan ko.

“Nababaliw na ata yan, ate” – sabi ni Mafe.

“Hindi ko rin naman alam na pupunta sila e”- itinabi ko na muna ang panyo ko.

“Mababait pala ang mga taga ateneo, ka close mo sila?”- sabi ni Tatay.

“Hindi nga po e. Nito lang kami nagkausap ng matagal, Tay”- sagot ko.

“Sya, magpapaalam na kami ni Mafe, Nay, Tay, Jema”- Sabi ni Ate Jovi.

“Ingat kayo sa daan anak”- Sagot ni Nanay.

Nagpaalam na si Mafe at Ate Jovi. May mga pasok pa kasi sila bukas. Si Mafe sa paaralan bilang mag-aaral at si Ate jovi bilang isang guro.
Naghanda na ako sa pagtulog. Kailangan kong makabawi sa lakas na naubos ko.

Kinabukasan hinatid ako ni Nanay at Tatay sa dorm.
Nandun lahat ng team mates ko with matching banner pa na ‘welcome back Mareng Jema!’
Marami rin silang pagkain na inihanda.

Isa-isa akong niyakap ng mga team mates ko.
Kumain na rin muna sina Nanay at Tatay bago umalis.

“Kayo na muna ang bahala sa batang ito”- sabi ni Tatay sabay halik sa noo ko.
“Huwag kang makulit, kapag masama ang pakiramdam magpahinga!” – pinalo naman ako ni Nanay sa pwet ko na parang bata.

“OPO. Itong mga ito talaga, GROUP HUG na!”- niyakap ko silang dalawa, ang ever supportive kong magulang.
Nagpaalam na ang mga team mates ko sa mga magulang ko.
Nag mano naman si Fhen sa kanila

“Ikaw na muna ang magbantay dito, Fhen”- sabi ng nanay ko.

“Yes po tita”- Sagot nito.

Umalis na sina Nanay at Tatay.
Inalalayan naman ako ni Fhen papasok sa kwarto ko.

“Kaya mo na ba?”- tanong nito.

“Yes! Malakas pa ako sa iyo no”- pagmamayabang ko rito.

Niyakap naman ako ni Fhen na ginantihan ko rin ng yakap.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon