28

5.4K 150 21
                                    

JEMA'S POV

Tinignan ko lang si Cy at Fhen.

Magkatitigan lang din silang dalawa.

Parang nagtatalo ang mga mata nito.

"Hindi ba kayo titigil? "- sabi ko.

"Tara na"- hinila ako ni Cy.

Pero hinigpitan ni Fhen ang kapit nito sa akin.

"Mag usap muna tayo, Jema"- Hinila naman ako ni Fhen.

"Hindi ba talaga kayo titigil? " medyo pabulong pero may diin kong sabi.

Nag sisimula na kasi kaming mapansin ng mga tao sa paligid.

Hindi pa rin nag paawat ang dalawa.

ayaw nyo talaga, uh...

Hinawakan ko ang kamay ni Fhen.
Hinawakan ko rin ang kamay ni Cy.

Pinag kapit kamay ko ang mga kamay nila.

"Wag nyo muna akong lapitan. Parang awa nyo na. Kailangan ko rin huminga"- sabi ko sabay alis sa harap nila.

Dumiretso na ako sa dugout.

"Bes, bakit ba naka simangot ka na naman? "- Ponce.

"Wala"- plain na sagot ko at pumasok na sa banyo para maligo.

Paglabas ko ay agad akong tinawag ni Chiarra.

"Kanina pa tumutunog ang phone mo. I think kailangan mo itong sagutin"- sabay abot ni Chiarra ang phone ko.

Si Cy tumatawag.
Nag end ako ng call at tinext sya.

To: Cy
Cy. Bigyan nyo muna ako ng time. Pasensya na.  Kailangan ko lang magpahinga.

Nag reply naman ito.

From: Cy.
Okey lang. I just want to check if okey ka. I understand. Please always take care. Pasensya na rin kanina.

"Okey ka lang? "- Ponce.

"Uhmmm. oo? Gusto nyo labas tayo? " tanong ko kay Chiarra.

Nakita ko namang dumating si Fhen. Nakatingin lang ito sa akin.

Hinila ko agad si Ponce at Chiarra.

"Tara! Treat ko! " sabi ko sa dalawa tsaka sila inakbayan paalis ng venue. 

Nang makalabas kami sa venue ay pumara agad ako ng taxi.

Bukod sa iniiwasan ko si Fhen at Cy.
Ang daming fans na humaharang sa amin kaya gusto ko na agad makaalis.

"Kuya, SM po kami"- sabi ko sa driver.

"Bes, bakit ba nagmamadali ka? "- Chiarra.

"Gusto ko lang makahinga"- ako.

"Dapat lagi kang ginyan e, para nanlilibre ka"- Ponce.

"Oo naman.  kaya nga treat ko e. treat ko yung pamasahe papuntang SM"- sabi ko sakanila.

"Ay. baba na lang kami,  kuya tabi mo nalang jan"- Chiarra.

"Baliw. Joke lang. Sige lang kuya. Diretso lang tayo. Namiss ko lang kayo.  Baka kasi magtampo na kayo sa akin"- ako.

"Yieee. ang sweet naman ni bebe girl"- sabay yakap sa akin ni Ponce.

"Bebe girl ka jan. Sipain kita e"- ako.

"Pero hindi na ako magtatanong kung saan ka galing kagabi at kung sino ang kasama mo. Alam ko na e. I mean alam na ng lahat"- May halong panunuksong sabi ni Chiarra.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon