23

5.1K 130 7
                                    

JEMA’S POV

Game day VS ateneo.
Ayokong ma distract sa laro namin ngayon. Pero mukhang mahihirapan ako dahil hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa mga nangyari noong gabi na nakipag inuman kami sakanila.

Kinwento na rin ni Chiarra at Ponce ang nangyari kung bakit ako napunta sa condo ni Deanna.
Naalala ko na rin ang nangyari sa amin ni Deanna- mula sa pagsusuka ko, pagbibihis nya sa akin at..

At pag iyak ko dahil akala ko si Fhen sya.

Wala na- wala talaga akong maihaharap na mukha sa mga taga ateneo

Kasalukuyan na kaming nag wa-warm up sa court.
Nandito na rin ang mga taga ateneo.

Umiiwas ako ng tingin sa mga ito dahil ayoko munang maalala.
NAHIHIYA TALAGA AKO!

Nagpaalam na muna ako sa captain namin na sasaglit lang ako sa dugout.
Gusto ko lang maghilamos at hindi pwedeng ganito ang maging awra ko sa laro na ito.

Tumakbo na ako papunta sa dugout.

Hanggang napahinto ako sa  pag takbo.

LORD NAMAN. SA DAMI NG TAO SA MUNDO BAKIT SI DEANNA PA?!

Nagkatinginan kami dahil mukhang nagulat din ito.

Tinuloy ko nalang ang paglalakad.

LAKAD LANG JEMA

TULOY KA LANG SA PAGLALAKAD

HUWAG KANG HIHINTO

Nakita kong huminto si Deanna nung nagkatapat kami.

“Jema”- narinig kong sabi nito.

JEMA! HINDI KA MARUPOK DI BA?!.

Naglakad lang ako hanggang narinig ko ulit itong nagsalita

“Good luck sa la-“ hindi ko na pinatapos ang sinasabi nito at tumakbo na ako.

SHIT. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?!

Tumakabo na ako sa dugout at naghilamos.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

“JEMA! KAYA MO ‘TO!” sigaw ko sa sarili ko.

Matapos kong mapakalma ang sarili ay lumabas na ako.
Naglalakad na ako pabalik sa court nang biglang may batang humarang sa akin

“Ate, Para po sa inyo”- sabi nito sabay abot ang isang bar ng chocolate.

“Thank you. Kanino galing ito baby?” tanong ko matapos abutin ang chocolate.
Hindi naman ako sinagot ng bata at tumakbo na ito.

Tinitigan ko ang chocolate at napansin ko ang maliit na note na naka dikit dito.

‘HEY, SMILE LANG. STAY SAFE :)

Kanino naman galing ito?

Bumalik na ako sa bench dahil nakaupo na rin ang mga team mates ko doon.

“Uy, chocolate! Penge naman ako bes”- sabi ni Chiarra sa akin.

“Hindi ko nga kilala kung kanino galing ‘to e”- hindi ko binigyan si Chiarra at itinabi nalang ito sa gamit ko.

“Hindi mo alam?” – tanong ni Fhen.

Lahat naman ay napatingin sakanya.

Isang katahimikan.

“Tara na! Laro na!”- Sigaw ni Ate Lyn.

Hindi ko pinapansin si Fhen na kanina pa nakasalubong ang kilay, mamaya nalang kapag nasa laro na.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon