63

6.5K 130 19
                                    

DEANNA'S POV

"Bakit ba nakanguso ka r'yan? "- tanong ko kay Jema habang nag da-drive.

Kanina pa kasi ito walang kibo at panay ang pagsusungit.

"Uy. B. Meron ka ba? "- tanong ko rito.

Pero wala akong nakuhang sagot dito kundi pag irap lang nya.

Hanggang makarating kami sa condo ko hindi pa rin ako nito kinakausap ng matino.

Dumiretso naman ito sa kwarto.

Naalala ko naman ang date namin ngayon ni Jema.

Since mukhang magkukulong lang yun sa kwarto ay lulutuin ko na muna ang kanina ko pa pineprepare na ingredients para sa dinner namin ni Jema.

Siguradong matatanggal ang init nito ng ulo.

Lalagyan ko rin ito ng gayuma. Para bumigay na sya lalo sa akin. Jk. HAHAHAHA

Nag simula na ako mag prepare.

Luto dito.

Luto dun.

Minsan sinisilip silip ko si Jema. Baka kasi biglang lumabas e.

Pero ilang minuto na ang nakalipas wala pang Jema.

Matapos kong mag luto ay inayos ko na ang pagkain sa sala.

Nag set up rin ako ng isang movie. Para dinner at Movie ang peg.

Nang okey na ang lahat. Pumasok ako sa kwarto

at tumambad sa akin ang Jemang mahimbing na natutulog na.

Kaya naman pala hindi lumalabas.

Nakaligo na rin ito dahil naka damit pang tulog na ito. Naka sando at Pajama ito.

Dumiretso naman ako sa banyo para maligo na rin.

Nag short lang ako at shirt pagkatapos.

Nag patuyo ako saglit ng buhok. Pero itong si Jema mahimbing na natutulog pa rin.

"B. Gising na"- Sabi ko rito.

Pero hindi ito sumasagot kaya nilapitan ko ito sa kama.

Tinitigan ko ito saglit.

Hinawi ko ang buhok na tumatabing sa mukha nya.

"B. Kain na tayo... Gutom na ako"- yugyug ko sa katawan nito.

"Ayaw mo uhhhh! "- ako

Sumampa ako rito.

Tsaka ko hinalik halikan ang labi nya.

"Uhm... "- Jema

"Gising ka na? "- Ako

"Ang bigat mo! "- Sigaw nito sa akin

"Bakit ba ang sungit mo, B? "- ako

"Inaantok pa ako!"- pumikit pa ulit ito.

"Ahhhhh. Ayaw mo talaga uh! "- sabi ko sabay halik sa leeg nito at tenga.

Bigla naman nya akong itinulak dahilan para ma out balance ako at mahulog ako sa kama.

Ang lakas grabe.

Pero napahawak ako sa balakang ko dahil iyon ang naunang tumama sa sahig.

ANG SAKIT.

Yumuko lang ako at napa kagat ng labi sa sakit habang haplos haplos ang balakang ko.

"B. Sorry. Ayos ka lang?"- agad naman akong nilapitan ni Jema.

Tumango lang ako. Agad din akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon