44

5.7K 196 12
                                    

JEMA'S POV

It's been two weeks. Loonggg two weeks for me dahil nakahiga lang naman ako sa bahay.

Kararating ko lang sa dorm.

Welcome back. Jema. HUHU

Pagpasok ko sa dorm wala akong taong nakita. Nakakapagtaka naman. Dati naman nasa gilid gilid lang ang mga team mates ko.

Pag pasok ko ng kwarto namin wala din sila Chiara at Ponce.

Napansin ko naman ang note sa study table ko

"Jema. Sunod ka sa gym. May meeting daw sabi ni Coach.ASAP "- sabi nito.

Ibinaba ko naman ang mga gamit ko. Gusto ko pa sana magpahinga pero mukhang emergency ang meeting today.

Welcome back talaga Jema. Wala man lang pahinga oh.

Maingat ulit akong naglakad. Okey naman na ang tuhod ko pero iniingatan ko pa ito. May support din akong suot para wag mabigla. Nagpunta naman ako agad sa gym.

Pagpasok ko sa gym napansin kong sarado ang entrance nito. Pero bukas naman ang gate.

Tinry kong itulak ang pinto pero parang naka lock ito.

"Helllloooo. May tao ba dito? "- sigaw ko. Nakailang katok at sigaw pa ako.

I'm about to call Chiara and leave nang biglang mag bukas ang pinto.

Pumasok ako then I saw all my team mates and coaches. Holding a banner.

"WELCOME BACK, JEMA! SANA LAST NA 'TO"- sigaw nila.

May baloons and foods sa isang gilid.

Nag sigawan sila pagkatapos ay tumakbo sila sa akin para yakapin ako.

Tumalon naman si Ponce sa akin.  Sinalo ko ito at niyakap.

"Shit. Ponce. Ang bigat mo. Yung tuhod ko"- sigaw ko.

Agad naman itong bumaba.

"Hahahaha. sorry. Namiss lang kita bes"- sabi nito.

Dinumog nila ako ng yakap sa gitna.

"Bes. Miss ka na namin. Huhu"- Chiara

"Jema, mabuti nalang magaling ka na"- Ate Mylene

"Akala ko di mo na kami babalikan e. Naalala ko strong ka nga pala"- Fhen.

"Hay naku. Dapat lang na bumalik ka. Ibabawi mo pa ako next season e"- Ate Lyn.

Halos maiyak naman ako sa effort nila.

Naupo kami sa gitna at nagsalita naman si Coach sa harap namin.

"I know that it's really a heart breaking season for us. We didn't able to get back the crown but still a great run for us. I want to commend all of you for pushing all your limits, for all the hard works, for all the love for this team, for all your sacrifices. We will not able to achieve this without you, guys. So as your head coach I'm so thankful to all of you. Especially to our graduating players. This party is for all of us and for Jema. Please, be strong always. We are always here. We got your back. Remember that. No more dramas. Let's enjoy this party!"- Coach Air.

Nagpalakpakan kami at nagsimula na kaming kumain. Hinintay pala talaga nila akong makabalik para lang sa party na ito.

Nag saya lang kami. Syempre bawal muna ang alak dahil nasa gym lang kami tsaka may mga pasok pa kami.

Sa kalagitnaan ng salo-salo kinuha ulit ni Coach Air ang atensyon namin.

"Guys. As what we always do. Before this day ends I will announce your new team captain. May I call her and give us some speech. Your new team captain, Jema Galanza! " Nabigla ako sa sinabi ni Coach.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon