22

5.1K 134 15
                                    

JEMA’S POV

Unti-unti kong minulat ang mata ko.

Madilim pa kaya pinikit ko ulit ang mata ko.

Mamaya pa naman ang trai-

Teka!

Bigla akong napamulat ulit. Tinignan ko ang paligid ko.
May lamesa sa tabi ko kung saan may lampshade dito at orasan.

May aircon, may kurtina na maganda na mukhang mamahalin pa, may flat screen na TV sa harap ko.

Bukod pa dun may mga trophy, bola ng volleyball at Jersey ng…

Ateneo.
#3
At picture ni Deanna sa pader.

Bigla akong napatayo sa hinihigaan ko.

Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.

Iginala ko pa ang paningin ko kahit di pa nag si-sink in ang mga nangyari kagabi.

Nagulat ako ng may gumalaw sa tabi ko at isang hita ang tumambad sa akin.

PATAY AKO SA MAGULANG KO NITO. HINDI NILA AKO TINURUAN SA MGA GANITONG BAGAY!

Hinila ko onti pababa ang kumot na nakatalukbong sa mukha ng katabi ko.

Kilay palang kilala ko na,

Si Deanna ang katabi ko.

Mahimbing itong natutulog.

Bigla naman ulit sumakit ang ulo ko.

Hanggang maalala ko ang nangyari.

S-H-I-T

Nakakahiya!

Naalala ko yung sinayawan ko si Deanna. Kainin na sana ako ng lupa.

Tumayo ako sa kama. Kailangan ko ng makaalis dito agad. Nakakahiya, wala akong mukhang maihaharap dito matapos ko syang sayawan!

Nag suot ako agad ng sapatos, dinampot ko ang bag ko.

Nakakita naman ako ng papel at ballpen sa study table nito.
Nagsulat ako.

“Mauna na ako Deanna, Pasensya na sa abala” tsaka ko idinikit iyon sa ref nya.

Nakakita naman ako ng cup noodles sa lalagyan nito ng pagkain, nilagyan ko ito ng mainit na tubig at tinakpan.

Nagsulat ulit ako at nag iwan ng note.

“Pasensya na talaga”- sabi ko rito.

Narinig kong parang gumalaw sya kaya nagmadali akong lumabas ng condo nya.

SHIT! ANG SAKIT NG ULO KO.

Sumakay na agad ako sa elevator.

Pagpasok ko at pagharap ko sa salamin sa elevator nagulat ako sa suot ko.

Ateneo shirt at maikling short!

Hinalungkat ko agad ang bag ko at kinuha ang jacket ko at isinuot yun. Mahirap na baka may makakita sa akin!

Nag abang ako agad ng taxi at sumakay dito pauwi ng Adamson.

DEANNA’S POV

Naalimpungatan ako sa kaluskus na naririnig ko kaya napabangon ako agad.

Wala naman na si Jema sa tabi ko.

Narinig kong bumukas ang pinto ng condo ko at sumara ulit ‘to.

After ng mga nangyari, talagang iniwan mo ako na walang paalam.

Tumayo naman ako at nag tooth brush. Maaga pa naman para sa morning training.

Humarap ako sa salamin at nakita ko ang bukol ko.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon