DEANNA'S POV
Umalis na sila lahat matapos iabot ni Cy ang bag ni Jema sa akin.
Naiwan akong akbay akbay si Jema.
"Uwi na tsayooo, tulog na meee"- sabi ni Jema habang nakapikit.
"Saglit lang Jema, wag ka munang makulit"- sabi ko rito.
Pinaglalaruan kasi nito ang buhok ko.
Binuksan ko na ang sasakyan ni Ate Ly at pinasok ko si Jema sa loob ng sasakyan.
Sumakay na rin ako.
Nakapikit pa rin ito.
Binuksan ko ang engine.
Tinignan ko si Jema.
Tahimik itong nakapikit. Malamang nahihilo pa ito. Sa dami ba naman ng nainom nito.
Parang anghel ang mukha nito. Maganda rin pala ang mga mata nito.
Nakatitig pa rin ako rito.
"Huwag mo kong titigan, I can see you"- sabi nito.
"Masama bang titigan ka? " sagot ko rito.
"May beyed powww"- sagot nito na inilahad pa ang kamay niya sa akin.
"Mabuti pa, tara na"- sabi ko.
Inayos ko naman ang seatbelt nito at pinaandar na ang sasakyan.
Good thing na malapit lang kami sa condo ko.
Matapos kong mag park ay binuksan ko na ang passenger seat para akayin si Jema.
Nakapikit pa rin ito.
"Jema, we're here"- sabi ko habang inaalis ang seat belt nito.
"I can't walk naaaa"- sabi nito.
Hinila ko sya pero ayaw talaga nitong tumayo.
Wala na akong nagawa kundi buhatin sya.
Tumalikod ako rito at kinarga sya gamit ang likod ko.
"Surry, des ko na talaga keye e"- bulol bulol na sabi nito.
"You'll pay me after this, jema"- sabi ko habang kinukuha naman ang bag nito.
"Whut? kasalanan ko ba 'tohh? " -Jema
"Yeah. Kung di ka naglasing edi sana maayos ang buhay natin"- sabi ko
"Bakit? ginulo ko ba ang buhay mo? lahat ba kayo ginyan?" may halong sakit ang pagsabi nito.
"No. Hindi yun ang gusto kong sabihin"- ako
Papasok na kami sa building at sumakay na sa elevator.
"Uy, nashusuka na kuuu"- sabi nito.
Shit. 20th floor pa kami.
"Hold it Jema. Malapit na tayo"- sabi ko.
Di ka pwedeng magsuka dito Jema.
Nakakahiya sa iiwan nating dumi.Pagtungtong namin sa ika-20th floor ay tumakbo agad ako sa kwarto.
"La-labas na pooo"- sapo sapo nito ang bibig nya.
Pagbukas ko ng kwarto agad agad kong inalalayan si Jema sa Cr.
Nagsuka ito sa Cr.
Hinagod ko lang ang likod nito.
"La-labas ka m-muna"- sabi nito.
"Okey lang, continue"- sabi ko.
"Please"- sabi nito.
Ayaw talaga nya paawat kaya lumabas na muna ako sa cr.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...