15

5.1K 106 0
                                    

DEANNA'S POV

Inilapat ko ang hintuturo ko sa labi nya. Para senyasang huwag siyang maingay.

Saglit itong nagulat. Napatingin ako sa labi nito. Shit. Bigla akong napalingon palayo.

Naramdaman kong ibinaba nito ang kamay ko.

"Anong ginagawa mo dito? " pabulong na sabi ni Jema.

"Uhm. Nakita kita na hinahabol?"- sabi ko

Ngumiti naman ito

"Lagi mo nalang akong inililigtas"- sagot nito.

Sinilip ko naman kung may mga tao pa sa labas. Meron pa at mukhang hinahanap pa nila si Jema.

"May sasakyan kang dala? " tanong ko.

"Yep. Dun na sana ako papunta kaso may tao dun kanina"- itinuro naman nito ang sasakyan nyang dala.

Hinawakan ko ang braso nito at nakayuko kaming naglakad papunta sa sasakyan niya.

"Kapag binuksan natin 'to tutunog, baka makita nila tayo"- sabi ni Jema.

"ako ang tatayo. dyan ka lang maupo. Di naman nila ako makikilala. Itatago ko nalang ang mukha ko"- kinuha ko ang susi nya at hinayaan ko lang syang nakaupo malapit sa pintuan ng driver seat.

Tumayo na ako. Binuksan ko ang pinto.  Napatingin naman sila sa gawi ko. Nanatili akong nakayuko. Nasa gawi sila ng passenger seat. 

Nang mabuksan ko na iyon ay pumasok ako at naupo sa driving seat.

Lilipat palang sana ako at sesenyasan si Jema ng 'saglit-lang-at-lilipat-ako-sa-passenger-seat-bago-ka' ay bigla itong pumasok. Napaupo ito agad.

Napaupo ito sa Lap ko!
I mean what the! Nakakandong sya sa akin.

"shit. sorry! kasi parang napansin nila ako"- tarantang sabi ni Jema sabay sarado ng pinto.

Mabuti nalang tinted ang sasakyan nito.

"Sorry, di-di ako naka lipat agad"- sabi ko.

Sobrang awkward ng posisyon namin. 

Walang nagsasalita. Mainit. Nararamdaman ko na ang pawis ko dahil di pa pala namin na start ang engine.

"So-sorry"- sabi ulit nito habang nakahawak sa manibela.

"Mainit. pwede ko bang buksan? "- sabi ko.

Kinapa ko ang susian. Shit. Para akong nakayakap sakanya mula sa likod.

Lalong naging awkward ang posisyon namin sa ginawa ko.

"Ma-mamaya nalang pala. he. he"- sabi ko rito.

Nang makita naming wala ng tao ay nagsalita ulit ako.

"Uhm. Jema, kasi ano. wala na ata sila"- sabi ko rito.

"Uhhhh. oo nga. sige. lalabas na ako"- sabi nito.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng hawakan rin nya ang bukasan ng pinto ng sasakyan.

Nakapatong ang kamay nito sa kamay ko.

Napahinto kaming dalawa.

ANO BANG NANGYAYARI! DAPAT HINDI NALANG AKO SUMUNOD SA KANYA!

isip isip ko.

Sabay naming tinanggal ang pagkakahawak namin sa pinto.

"Ako na"- sabi ko.

Binuksan ko na ang pinto at lumabas kami.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon