41

5.5K 178 20
                                    

DEANNA'S POV

Hawak hawak ko lang ang kamay ni Jema. Nasa likod ko si Ate Ly, Ate Jia, Chiara at Ponce.

Hinawakan ni Ate Ly ang likod ko.

"Wag kang mag alala, sabi ng doctor okey naman na sya"- sabi nito.

Tumulo ang luha ko.

"Nakita ko, nakita ko kung paano sya nahirapan, Fuck you Jason! "- sabi ko.  nagpunas ako ng luha.

"Shhh. Nasa kulungan na yun.  Sisiguraduhin kong hindi na yun makakalabas"- sabi ni Ate Ly.

Maya-maya pa ay may pumasok sa kwarto ni Jema.

Ang mga magulang ni Jema at dalawang kapatid nito na babae.

Tumayo ako at saglit na binitawan ang kamay ni Jema.

Nagulat ang mga ito dahil nandito kami.

Niyakap ng nanay at tatay ni Jema si Ponce at Chiara.

"Anong nangyari? "- umiiyak na sabi ng nanay ni Jema.

"Maupo po muna kayo"- umiiyak na rin si Chiara.

Naupo sa tabi ni Jema ang mga magulang nito at mga kapatid nito.

Nakatayo lang ako sa tabi ni Jema.

Nag kwento si Chiara sa nangyari.

"Sila Ate Ly, ate Jia at Deanna po ang gumawa ng paraan para maligtas si Jema"- sabi nito.

Tumingin sa amin ang tatay ni Jema.
Tumayo ito at niyakap kami.

Tumulo ang luha ko.

"Maraming salamat"- sabi nito.

"Hi-hindi po. Dapat ako po yung mag liligtas sakanya. Pero ako po yung niligtas nya. Hindi ko po deserved ang pasalamat nyo. Pasensya na po kayo. Pasensya na po at nasaktan si Jema"- umiiyak kong sabi.

"Pasensya na po tito, tita,  ate Jovie, Mafe. Ako ang kasama nya bago sya mawala. Dapat hindi ko sya iniwan. Dapat pinigilan ko talaga sya"- umiiyak na sabi ni Chiara.

Lumapit ang nanay ni Jema sa akin at hinawakan nito ang kamay ko ng mahigpit. Ganun din si Chiara.

"Tahan na. Walang may kasalanan sa inyo. Maraming salamat, mga anak.  Dahil ginawa nyo lahat ng makakaya nyo para mailigtas sya"- sabi nito.

Napaka bait ng magulang ni Jema.

Nag stay kami saglit sa kwarto ni Jema.

"Mga anak, madaling araw na. Alam kong pagod kayo dahil galing kayo sa laro kanina. Sa tingin ko ay dapat magpahinga na kayo"- Nanay ni Jema.

"Kami na muna ang bahala kay Jema"- Sabi ng kapatid nito.

Umupo ako sa tabi ni Jema. Hinawakan ko ang kamay nito at yumuko. Nag simula na namang umagos ang luha sa pisngi ko.

Tumabi sa akin si Ate Ly.

"Deanns, Babalik tayo. Kailangan mong ipahinga yang katawan mo"- sabi nito.

"Ate, wag kang mag alala. Si Ate Jema pa. Baka mas malakas pa yan sa iyo pag nagising"- sabi ng nakababatang kapatid nito.

Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Jema, magpagaling ka. Babalik ako"- sabi ko rito.
Tumayo na ako.

Bago kami umalis ay niyakap ulit ako ng magulang ni Jema. Nagpasalamat ulit ang mga ito.

Sabay sabay na kaming umalis. Hinatid na muna namin si Chiara at Ponce sa adamson.

Sinamahan naman ako sa condo ni Ate Ly at Ate Jia.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon