33

5.7K 168 43
                                    

JEMA'S POV

Nagpaalam agad ako matapos ang training namin.

Kanina pa pala ako hinihintay ni Cy sa labas.

Nang makita nya ako ay pinagbuksan ako agad nito ng pinto ng sasakyan nya.

"My pleasure"- yumuko pa ito bago ako pumasok sa loob ng sasakyan.

"Bilisan mo. Ayoko ng kukupad kupad" -sinakayan ko naman ang trip nya.

Pumasok agad ito sa loob at pinaandar ang sasakyan.

"Kamahalan, tayo po ay mag e-enjoy ngayong araw"- sabi nito.

"Siguraduhin mo lang kundi ipapatapon kita sa ilog na puno ng buwaya"- sabi ko.

Nag tawanan naman kaming dalawa. Na miss ko ang ganitong biruan namin ni Cy.

Hanggang sa maging seryoso ang usapan namin.

"Jema, Thank you for allowing me na makasama ka ngayon"- tumingin ito sa akin at ngumiti.

Nakaramdam ako ng sakit sa mga ngiti nyang iyon.

"Ano ka ba. syempre. Buddy kaya kita"- sabi ko sabay siko rito.

"Teka, saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Pasay"- sabi nito.

"Saan dun? "- ako

"Basta"- sabi nya.

Hinayaan ko nalang syang mag drive.

Sa pagod ko ay naka idlip ako.

Ilang minuto lang na byahe ginising ako ni Cy.

at nasa harap na kami ng Star City.

"Dito tayo?! " tanong ko.

Sobrang gustong gusto ko makapunta ng amusement park.  Alam iyon ni Cy. Madalas dito kami magpalipas dati ng sama ng loob, o kaya kapag down kami.

Dito kami nagkakasundo ni Cy.
Pero hindi na kami nakabalik ulit. Parehas na kaming naging busy sa pag aaral at sa sports. 

"Yes! Just like the old times"- sabi nito sabay kindat.

Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok.

Para kaming bata ni Cy.
Bumili kami ng head band na umiilaw. Habang nag iikot kami ay may dala kaming ice cream.

Binalikan namin yung mga madalas namin sakyan.

Nang mapagod kami at sa tingin namin ay nasakyan na namin lahat ay nagpunta kami sa open park.

Naupo kami dun.

"Jema. Salamat"- sincere na sabi nito.

Tumingin ako rito.

"No, Cy. Salamat! "-sagot ko

"Sorry. Pero may kailangan akong sabihin sayo"- sabi nito.

Kinabahan ako bigla.

"Ano?" - ako.

Nagpunta ito sa harap ko at lumuhod.

"Jema. I know na alam mo. Pero gusto ko lang sabihin sayo sa harap mo...  I like you, I love you. Noon pa"- sabi nito.

Tumulo bigla ang luha ko.
Dahil sobra akong na gui-guilty.

"Cy, Sorry"- sabi ko rito habang umiiyak.

Nakita kong nag punas rin ito ng luha.

"I know. I know din na wala ka talagang nararamdaman. Kaya.. kaya I decided na mag oo kay Dad na sa america na ituloy ang pag aaral kapag nasabi ko na lahat sayo. Mamaya ang flight ko"- sabi nito.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon