JEMA'S POV
Tapos na naman ang maikling bakasyon, ma mi-miss ko na naman ang Laguna.
Paniguradong matagal pa ulit bago ako makabalik ulit sa bahay.
Bakbakan na naman sa pag-aaral at training sa Volleyball.
Napapabuntong hininga na lang ako.
Pero ayos lang, sa volleyball lang naman ako masaya.
Pabalik na ulit ako sa Adamson University kung saan 4th Year College na ako ngayong pasukan.
Katulad ng nabanggit ko, parte ako ng volleyball team ng university namin.
Nakapasok ang team namin sa semis last season. Kaya gagawin namin ang lahat para makapasok naman sa finals ngayong taon.
"Oh, anak. Andito na tayo sa dorm mo. May balak ka bang bumaba? " Sabi ng tatay ko.
Sa dami ng iniisip ko, di ko namalayan na nakarating na pala kami.
Lumabas na kami ng sasakyan ni Tatay. Tinulungan na rin nya akong ipasok lahat ng gamit ko.
"JEMAAAAA! MISSSS YOU! " nagulat ako sa sigaw ng kaibigan kong si Chiara Permentilla sabay yakap sa akin.
"Hi, Tito!" bati nya kay tatay sabay mano matapos akong yakapin.
"Maiwan ko na kayo mga anak. Mag-iingat kayo palagi" Hinatid na muna namin sa labas si tatay.
Dami pang pabaon na pangaral ng tatay ko kaya medyo nagtagal pa kami sa labas.
Laging ganito si tatay, isa rin kasi syang coach ng volleyball team sa Laguna.
Matapos nun bumalik na kami sa kwarto ni Chiara. Madami pa naman akong bitbit na pagkain kaya excited na excited akong hinila ni Chiara sa loob ng kwarto namin.
"Asan si Ponce? " Tanong ko kay Chiara.
"Malapit na raw. Mamaya andito na ulit yung maliit na yun" Pang aasar ni Chiara.
Nakatira kami sa isang dorm kung saan nakalaan para sa mga student athletes katulad namin.
Isang dorm ang volleyball team. Ka room ko si Ponce at Chiara.
Mamaya maingay na naman dahil kumpleto na naman kami kahit sabado palang.
"May pasok ka na ba sa lunes bes? " tanong ni Chiara habang kinakalkal ang gamit ko.
"Hoy! Mag hunos dili ka nga! Ginulo mo na gamit ko! " Hinila ko sya palayo sa mga damitan ko kasi kinalat nya na ito sa sahig.
Ito talagang kaibigan kong ito!
"Oh ito o!" tsaka ko binato ang isang bag kung saan puno ng mga pagkain galing laguna.
Biglang nag ningning ang mga mata nito. Parang bata talaga. HAHAHA
"salamat besssh. kaya love na love kita e. " Napa iling nalang ako nang nagmadali itong abutin ang bag ko.
"May meeting sa lunes. Magtira ka naman ng kaunting chocolates para sa team" sabi ko kay Chiara.
Sa lunes may meeting ang buong team namin bilang paghahanda ulit ngayong season. Dalawang subject lang naman ang klase ko ng Monday kaya maluwag ako.
"Si Fhen ba nasa kwarto na nya?" Tanong ko kay Chiara.
"wala pa ata" lumapit ito sa akin
"Yieee. si mahal mo? " Tsaka ako kinurot kurot ni Chiara."OO. bakit? inggit ka na naman?! " Pinanlakihan ko sya ng mata. HAHA.
oo. kami na ni Fhen. Sinagot ko sya. Parehas kaming babae. Nagkaroon na rin ako ng boyfriend nung highschool.
Na a-attract lang talaga ako sa babae. Hindi ko alam.
Alam kong mali sa paningin ng iba. Pero pag ang pag-ibig nasa harap mo na, mahirap na palang iwasan.Hay! na miss ko na tuloy si Fhen!
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...